LT ipinagbili na ang namanang farm
By this time, nakadalaw na sa puntod ng namayapang si Rudy Fernandez si Lorna Tolentino at ang pamilya nito sa Heritage Park. Sa isang interview, natanong minsan si Lorna kung balak pa niyang ma-in love uli. Ayon sa aktres, kuntento na raw siya kay Rodolfo, tunay na pangalan ni Daboy, na hanggang ngayon ay sinisilip pa rin niya ang mga damit at gamit sa cabinet.
Ngumiti lang naman si LT sa tanong kung hanggang ngayon ay inaamoy at niyayakap pa rin niya ang mga naiwang damit ng nasirang asawa. Basta gusto lang daw niya, dun lang sa bahay nila ang mga naiwang gamit ni Rudy na hindi pa nga niya ginagalaw hanggang ngayon. Minsan daw ikinagugulat ni LT na kapag may hinahanap siyang gamit o bagay, hindi niya namamalayan cabinet na pala ni Daboy ang nabuksan niya.
Sinabi rin ni LT na ngayon lang daw niya inamin na ang isa raw sa nag-trigger kung bakit nagkasakit si Daboy noon ay dahil sa pressure nang minsan itong ma-involve sa politics, na sagot din ng aktres sa isang tanong kung may balak ba siyang pumasok sa pulitika. Idinagdag pa ni LT na ang kalakaran naman daw sa gobyerno ay paulit-ulit lang. Mas bagay daw ito sa mga lalaki lalo na’t yung medyo bata pa. Kaya ipauubaya na lang daw niya sa mga anak niyang sina Renz at Rap Fernandez na kung gustong magpulitika ay hindi niya pipigilan. Graduate naman ang isang anak niya ng Political Science sa University of the Philippines.
Samantala, no choice na si LT na ipagbili ang kanyang farm sa Cavite dahil ang best friend niyang namamahala rito ay aalis na ng bansa. Hindi niya sinagot kung magkano ang halaga ng farm, huwag na lang daw, dahil maliit lang daw na halaga ito. Pamana lang daw sa kanya ang nasabing farm.
Pang-international talaga ang level Lea inaming hindi pa nakakarating ng bora
Nagsimula na namang humakot ng atensyon ang The Voice of the Philippines Season II na nakakuha ng 28. 3% ratings last Sunday, ayon sa Kantar survey sa nationtwide, ng palabas sa pangunguna nina Bamboo, Lea Salonga, Sarah Geronimo, at ang nagbabalik na si Apl.de.Ap. Matatandaang nawala bilang coach si Apl.de.Ap sa The Voice Kids Philippines.
Swak pa rin si Apl.de.Ap sa show dahil nagpapakamasa siya sa unang airing pa lang ng palabas. Hindi pa naman bumibigay si Bamboo na maingat at mapili pa rin sa paghahanap ng ime-mentor na papasa sa kanyang panlasa. Si Sarah naman, mukhang mapupuno agad niya ang kanyang team dahil siya agad ang pinipili ng mga nakapasok sa blind auditions. Alam kasi nila na malakas ang hatak ng singer sa masa bitbit pa ang sangkaterba niyang Popsters, na all out ang support sa kanya. Isang factor ito kaya naipanalo niya si Lyca Gairanod sa nakaraang The Voice Kids, na text votes ang labanan.
Ito rin ang dahilan na maging si Sarah mismo ay nagulat nang siya ang pinili ng Reggae singer na si Kokoi Baldo na pambato ng Boracay sa blind auditions. Isa pala itong solid Popster. Expected kasi ng audience na pipiliin nito si Apl.de.Ap or si Bamboo. Malaking challenge naman kay Sarah na i-train si Kokoi bilang pambato ng kanyang team.
Nang makatsika naman si Lea, akalain mong hindi pa ito nakararating sa Boracay na sabi ng contestant ay isang paraisong isla. Niyaya nitong ilibot ang international singer-actress sa nasabing isla kapag pumunta ito roon. Imagine, halos nalibot na ni Lea ang buong mundo dahil sa kanyang mga broadway shows, pero hindi pa siya nakatutungtong sa isla ng Boracay.
- Latest