^

Pang Movies

Mga pelikula kumikita Direk Wenn dapat tularan ng ibang direktor

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tama ang sinabi ni Director Wenn Deramas noong muli siyang humarap sa media para sa kanyang pelikulang Moron 5.2. Sabi niya, “Ang gusto ko sa pelikula ko iyong kumikita. Iyong pinapanood ng mga tao sa mga sinehan.”

Totoo naman iyon. Iyong mga ganoong klaseng pelikula ang kailangan ng industriya sa ating bansa. Kailangan natin ng mga pelikulang kumikita. Kasi kung ang mga pelikula natin ay puro iyong sinasabi nilang “prestige” na isinasali lang nila sa mga film festival abroad na napapanood lang naman ng iilang mga mahihilig sa pelikula, at ni hindi mabawi ang puhunan ng producers, sino ang mamumuhunan?

Tama si Direk Wenn. Kung gusto mo nga namang makakita ng malulungkot na buhay, at puro paghihikahos, bakit ka pa manonood ng sine? ‘Di lumabas ka na lang ng bahay mo, at tiyak hindi ka lalampas sa dalawang kanto may makikita kang squatters area. Maupo ka na lang sa harapan noon at iyon ang makikita mo.

Ang kailangan nating pelikula ay iyong basta pumasok ang tao sa mga sinehan at nagbayad ng dalawandaang piso na napakahirap kitain sa panahong ito, masiyahan naman sila at nakangiting lalabas pagkatapos ng dalawang oras. Hindi naman namin sinabing kailangang comedy na lang ang lahat ng pelikula. Pero may mga pelikula na kahit na drama, paglabas mo magaan ang pakiramdam mo. Tapos na iyong panahon ng mga director na wala nang ipinakita sa kanilang mga pelikula kung ‘di puro pagdurusa.

Noong araw siguro ok lang iyan, dahil walang ibang libangan. Ang mga tao ay laging naghahanap ng sineng mapapasukan. Eh ngayon nariyan na ang telebisyon na ang mga teleserye ay matitindi na rin ang kuwento. Nariyan ang DVD. Nariyan ang Internet kung saan nakakapanood na rin ng mga pelikula. At take note, mayroon na ngayong tinatawag na “Internet movies”. Mga pelikula iyan na sadyang ginawa para lamang sa Internet at kumikita sila sa advertisements. Sino pa ba ang manonood ng mga pelikula kung saan babayad ka pa ng dalawandaan tapos maghihirap lang ang kalooban mo pagkatapos?

Kaya tama ang sinasabi ni Wenn Deramas, kailangan natin ang mga pelikulang kumikita muna bago ang mga award-award na ‘yan.

Marvin magaling dumiskarte kaya may career pa rin

Hindi na rin kami nagulat doon sa announcement ni Marvin Agustin noong press conference nila para sa Moron 5.2, na siya ay nagbalik na sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula ng kanyang career, at may gagawin na nga raw siyang isang teleserye.

Natuto na talaga ng diskarte sa kanyang career iyang si Marvin. Noong wala siyang assignment sa ABS-CBN, nakalipat siya sa GMA-7. Noong hindi na rin siya napapansin sa GMA-7, bigla siyang nakalipat sa TV5. Ngayong nagpapalit na ng format ang TV5, nakagawa naman siya ng paraan para makabalik sa ABS-CBN. Hindi ba masasabi mong talagang magaling ang diskarte niya?

Isipin mo iyong naikot niya ang lahat ng mga malalaking network at nagagawa niyang makalipat saan man. Hindi nagawa iyan ng ibang mga kasabayan niya kaya karamihan sa kanila wala nang career ngayon. At noong panahong nagsisimula pa lamang sila, ang ibang mga kasabayan niya ay ‘di hamak na mas sikat at sinasabing mas mahusay kaysa kay Marvin. Pero mas magaling nga siyang dumiskarte sa kanyang career.

Pero alalahanin din natin na isa ring magaling na negosyante si Marvin na malamang na nagagamit niya sa kanyang diskarte sa career.

 

DIRECTOR WENN DERAMAS

DIREK WENN

IYONG

MARVIN

NOONG

PELIKULA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with