Michelle ayaw ubusin ang mga naipon sa pag-aaral ng culinary
Kahit himatayin daw ang daddy niya, ipapapanood ni Michelle Madrigal ang first starring role niya, ang mainstream movie na Bacao directed by Edgardo “Boy” Vinarao at isa sa apat na pelikulang kalahok sa Sineng Pambansa Horror plus Film Festival. Sariling desisyon ni Michelle na tanggapin ang medyo sexy role niya bilang si Mayet, sa Bacao, wala raw siyang hiningan ng opinion, dahil ilang ulit muna niyang binasa ang script at nakita niyang maganda ang role at maganda ang story kaya tinanggap niya. Biro pa ni Michelle, tatakpan na lamang niya ang mga mata ng ama kapag dumating na doon sa love scenes nila ng husband niya, played by Arnold Reyes at kapag tinanong siya ng ama kung bakit niya ginawa iyon, sasabihin daw niya “dad, 26 na ako.”
Inamin ni Michelle na wala na siyang contract sa GMA Network dahil hindi na ni-renew ang kanyang contract, kaya ngayon ita-try naman niyang maging freelancer, habang tinatapos niya ang kanyang Culinary Arts sa Cafe Ysabel.
Natanong namin si Michelle kung bakit hindi niya itinuloy sa New York na tapusin ang kanyang culinary arts. Nalaman daw niyang napakalaki ng magagastos niya, ayaw daw naman niyang ubusin ang pinaghirapan niyang pera sa pag-aaral doon, marami namang mahuhusay na culinary arts school dito sa bansa.
Nag-invite si Michelle na panoorin ang premiere showing ng Bacao sa Lunes, October 20, sa SM Megamall.
Magsisimula ang festival sa October 29.
Frencheska puwede nang pakawalan sa solo concert
Puwede nang i-push ng solo concert si Frencheska Farr pagkatapos ng kanyang Let My Fire Out concert sa Teatrino in Promenade, Greenhills last Thursday evening. Free Admission ang concert na pinuno ng fans ang venue at sinuportahan din si Frencheska ng kanyang mga friends. Special guests niya sina Christian Bautista at Julie Ann San Jose. Maraming Kapuso stars ang nanood na nakisayaw at nakikanta kay Frencheska like Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Bela Padilla, Miguel Tanfelix, Enzo Pineda with non-showbiz girlfriend, at marami pang iba. Nakisayaw din sina Rocco Nacino at Mark Herras nang imbitahan sila ni Frencheska sa stage. Nagpasalamat si Frencheska sa GMA Network at sa GMA Artist Center for fulfilling her dream kay Kuya Germs Moreno at sa mga nag-sponsor ng free concert.
Si Frencheska ay product ng reality talent search na Are You The Next Big Star? ng GMA. Kinuha siyang lead star ni Chito Roño sa musical movie na Emir at pagkatapos ay naging mainstay na siya ng mga musical variety shows ng GMA, paminsan-minsan din ay nakakasama siya sa mga drama series ng network. Pero ayon sa mga nakakakita sa kanyang kumakanta, dapat ay pag-isipan din kung alin ang dapat na pagtuunan ng pansin ni Frencheska, ang pagkanta ba niya o pag-arte? Nakagawa na rin siya ng isang record album, marunong siyang mag-compose ng song, ito ngang Let My Fire Out ay sarili niyang composition.
Isa pa ring unsolicited advice kay Frencheska, pumili siya ng mahusay na stylist na magbibihis nang tama sa kanya sa concert. Hindi na-appreciate ng ibang nanood ang mga isinuot niyang damit, kahit ang kanyang make-up at hairstyle na hindi bagay sa kanya.
- Latest