^

Pang Movies

Nora pinarangalan bilang isa sa Outstanding Citizen ng Kyusi

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maganda ang naisipan ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista para sa ika-75th Anniversary ng Quezon City. Napagkaisahan nilang isama ang Superstar Nora Aunor sa mga Most Outstanding Citizen. Mas matindi pa ito sa National Artist Award na pinahihirapan siyang makamit sa kabila ng pagiging qualified ng aktres.

Juday at Ryan hindi makagawa ng kasunod ni Lucho

Now na four years old na si Baby Lucho, type na muling magka-baby nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ang problema lang, hindi sila magpang-abot sa bahay na mag-asawa. ‘Pag may time si Juday, wala naman si Ryan, dahil may everyday show ito sa Eat Bulaga. Minsan naman, kapag may time sila, nasa gitna ng higaan nila si Lucho at palaging nakayakap kay Juday. So, nagmamaramot talaga ang pagkakataon. Kung sabagay, pasasaan ba ‘yan at magkakaroon din silang dalawa ng tiyempo.

Ayen Laurel pinanindigan ang pagiging kontrabida

Ayaw patalbog ni Ayen Laurel, gumaganap na mother ni Sid Lucero sa My Destiny at nakipagsampalan talaga kay Lorna Tolentino. Ang katwiran ni Ayen, niloko na ng anak niyang si Joy played by Carla Abellana, ang anak na si Sid Lucero. Magaling na kontrabida si Ayen at dapat lang talaga siyang mapansin sa GMA. Para naman hindi na lang paulit-ulit ‘yung mga gumaganap na kontrabida na napapanood natin sa mga teleserye.

Julia Montes hindi natibag ni Julia Barretto na naging nega sa pagtatakwil sa ama

Sikat na rin si Julia Montes sa Dos. Marami siyang project sa naturang network. Kontra sa balita noon na sa pagpasok ng kapangalang si Julia Barretto ay malalaglag daw siya.

Maliwanag na haka-haka lang ito at hindi nangyari. Nakasira kay Barretto ang kawalang paggalang nito sa ama. Kung hindi sa ama niyang si Dennis Padilla, wala si Julia sa mundo ngayon. Dapat lang na itigil na kung ano’ng gimik man ‘yung paglaban ni Julia sa ama na ayaw ng fans.                 

                                             

vuukle comment

AYEN LAUREL

BABY LUCHO

CARLA ABELLANA

DENNIS PADILLA

JUDAY

JULIA BARRETTO

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with