^

Pang Movies

Boobs ni Michelle maraming beses nag-hello

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Kaya pala atubili nun si Michelle Madrigal na tanggapin ang pelikula ni Direk Edgardo “Boy” Vinarao na Bacao ay dahil talagang maiinit ang mga eksena nila ni Arnold Reyes na nagtatrabaho sa maisan.

Bacao ang tawag sa mais ng tribong Yogad sa Isabela.

Mag-asawa sina Michelle at Arnold sa pelikula kaya ilang beses ang kanilang bed scenes kung saan ilang ulit ding nag-hello ang malulusog na boobs ng aktres.

Ang gandang pagmasdan sa screen ni Michelle dahil natural ang ganda at kaseksihan nito. Puro maeelya ang ilang karakter sa Bacao gaya ni Alvin Anson na walang ginawa kundi buntisin ang asawa. Kahit si Irma Adlawan ay nakikipag-romansa rin sa nobyong si Archie Adamos sa kabila ng pagkakaroon nito ng asawa na walang panahon sa kanya dahil busy sa negosyo.

Gumaganap na albularyo si Leo Martinez na isang manyakis at hi­ningan ng tulong ni Michelle para mabuntis. Inutusan nitong maghubo’t hubad siya para matsansingan at magawan ng kalaswaan.

Naiiba ang istorya, malinis na malinis ang pagkakagawa ng pelikula, maganda ang sinematograpiya at hindi naging garapal ang mga maiinit na eksena sa pagitan ng mga bida.

Ang Bacao ay isa sa four entries sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival ng Film Deve­lopment Council of the Philippines. Sa Oktubre 29 na ito mapapanood ang Bacao mula sa Oro de Siete Productions.

Chief Acosta walang planong iwan ang PAO

Maraming kumukumbinse kay PAO Chief Persida Acosta na tumakbong senador sa darating na eleksyon. Sa ganda ng record nito ay gusto siyang tumakbo bilang kinatawan ng mga kababaihan. Ni­linaw ni Atty. Acosta na masaya siya at kuntento sa kanyang trabaho bilang PAO Chief at marami rin naman siyang natutulungan.

Nakatutok ito sa ilang mahalagang kaso gaya ng isang PMA student na gustong maging sundalo pero hindi ibinibigay ang diploma kaya ‘di makapagtrabaho. Inaasikaso pa rin nito ang Bible readers na ginahasa ng dalawang pulis.

 

vuukle comment

ALVIN ANSON

ANG BACAO

ARCHIE ADAMOS

ARNOLD REYES

CHIEF ACOSTA

CHIEF PERSIDA ACOSTA

COUNCIL OF THE PHILIPPINES

FILM DEVE

MICHELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with