^

Pang Movies

Lumalanding aktres kay Derek biglang tumiklop

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Malamang dahil sa mga kasong kinakaharap ngayon ni Derek Ramsay, biglang dumistansiya ang babaeng celebrity na nagpaparamdam sa hunk actor.

Ayaw muna raw kasing masangkot ang name nito sa kinakaharap ng aktor. Baka nga naman matulad siya sa mga ex ni Derek na sina Angelica Panganiban at Solenn Huessaff na idinawit ng kanyang dating asawa na si Mary Christine Jolly na concubinage.

Kung dati, lantaran daw ang pagpapa-cute nitong si female celebrity kay Derek sa mga Instagram post niya, ngayon nagpipigil muna raw dahil nga sa may kaso pa ang aktor. Kaya thru text na lang daw ang paghahatid nito ng suporta sa guwapong aktor.

Glydel at Tonton may bisyo kaya hindi nai-stress

Kung tutuusin bihasa na si Glydel Mercado sa aktingan kahit pa kontrabida, pero umalma pa ang aktres dahil mahirap daw ang role niya na maging nanay ni Andrea Torres sa nagsimula nang ipalabas na serye ng GMA 7 last week, ang Ang Lihim ni Annasandra kung saan katambal ni Andrea si Mikael Daez.

Hindi raw biro ang eksena ni Glydel dahil totoong luha ang napiga sa kanya sa mga pagsubok na pinagdaanan nilang mag-ina sa palabas ng Kapuso Network. Kaya kahit sa panaginip ay hindi pinangarap ni Glydel na magkaroon ng ganung anak na nagta-transform sa anyong baboy. Mahirap man ang role ni Glydel, keri naman niya ang dramahan nila ni Andrea sa fantaserye ng GMA 7. 

Mabuti na lang, may bisyo si Glydel at ang asawa niyang si Tonton Gutierrez na pangtanggal ng kanilang mga stress at pagod sa trabaho.

Bisyong paglalaro ng golf na in fairness sa aktres ay mahusay na ngayon sa bagong sports na pinagkakaabalahan niya dahil naghahakot na ito ng prizes sa kanyang mga laban. Paminsan-minsan ay naglalaro pa rin siya ng badminton kapag libre silang mag-asawa. Ang pagkahilig nila sa sports ang nakatatanggal ng pagod nila ni Tonton. Sa pamamagitan din nito, nagkakaroon din sila ng chance na makapag-bonding na mag-asawa.

vuukle comment

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK

DEREK RAMSAY

GLYDEL

GLYDEL MERCADO

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with