^

Pang Movies

Nora nagimbal nang makita ang kalagayan ng Tacloban

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagimbal ang Superstar Nora Aunor, noong magpunta sa Tacloban, para sa shooting ng pelikulang Yolanda na ididirek ni Brilliante Mendoza. Hindi niya akalaing nalimas pala halos lahat ng mga kabahayan doon. Nakapunta na rin kasi si Guy noon sa Tacloban at talagang hindi raw maisip ng superstar ang hitsura ng lugar sa kasalukuyan. Hindi rin siya makapaniwala sa mga kabahayang tinitirhan ng mga biktima ngayon. Hindi raw puwedeng maghabulan sa loob dahil sobrang sikip. Napaiyak pa nga si Guy, noong makita ang isang mag-inang halatang dahop sa kasuotan at pagkain.

Teka, saan na nga ba napunta ang mga donasyong padala ng taga-ibang bansa para sa mga biktima ng bagyong Yolanda? Tanong ng mga nagkokomento sa naturang bayan, saan nga ba?

Bagong libro ni Rita pinuri-puri ng CNN hero

Nakakaaliw ang mga nanay na nakakwentuhan namin tungkol sa mga librong isinulat ng aktres na si Rita Avila, tilted Ang Hindi Nakikitang Pakpak, tampok sa istorya ang mga pamosong doll nila ng kanyang mister na si Direk Erick Reyes na sina Mimay, Popoy, at Pony.

Maganda ang tema ng istoryang laman ng libro, pambata talaga. Bibihira kasi ngayon na makabasa ng librong pambata. Karamihan pulos bayolenteng cartoon characters ang nagtuturo ng hindi maganda sa bata. Kung kaya hindi kataka-taka na dinumog ang book signing ni Rita kamakailan sa SMX. Nakabili na rin kasi sila noon ng libro na gawa ng aktres, ang Si Erick Tutpik at si Ana Taba. Nagustuhan daw ito ng mga anak nila, kaya’t noong malamang may ikalawang libro si Rita, sumugod sila sa SMX. Maging ang batikang manunulat sa telebisyon at pelikulang Pilipino na si Ricky Lee ay may magandang komento sa naturang libro. Maganda raw at mayroong aral sa mambabasa.

Sa ikatlong libro ni Rita, maganda ang komento ng kauna-unahang Pilipinong nagwagi ng CNN Hero of the Year award noong 2009. Ayon kay Efren Peñaflorida ang kahinaan ng isang tao ay mahirap tanggapin pero sa libro ng aktres ay itinuturo rito ang prinsipyo para harapin ang mga kahinaan ng isang tao.

Parang hindi makapaniwala si Rita na balang araw pala ay magiging isa siyang aktres at manunulat ng libro. Nagtapos siya sa UST ng kursong BS Hotel and Restaurant Management.

Parehong nominado sa Jaime Cardinal Sin Catholic Book Awards noong 2009 at 2013 ang mga librong isinulat niya. Itinanghal din siyang Best Actress ng Asian TV Awards, Urian, at Golden Screen Awards.

                                                                        

ANA TABA

ANG HINDI NAKIKITANG PAKPAK

BEST ACTRESS

BRILLIANTE MENDOZA

EFREN PE

LIBRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with