^

Pang Movies

Yasmien gustong maging tulad ni Charo Santos

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masayang ibinalita ni Yasmien Kurdi na makikita na ng kanyang ama na naka-base sa Bahrain ang kanyang anak na si Ayesha.

Hindi pa rin daw nakikita ng kanyang ama ang apo nito at hindi pa rin daw nito nakikilala ang kanyang mister na si Rey Soldevilla, Jr.

Sa December sila lilipad for Bahrain kaya in-advance na raw niya sa production people ng Yagit ang kanyang pagbabakasyon.

“Gusto na kasing makita ni daddy ‘yung apo niya. Pati si Rey ay gusto na niyang makilala. Kaya perfect time ‘yung Christmas para magsama-sama kami.

“Excited na si Rey kasi first time niyang ma-meet si daddy. Pero mas excited kami for Ayesha kasi first time silang magkikita ng lolo niya,” ngiti pa ni Yasmien.

Ang laki na ng ipinayat ni Yasmien since bumalik siya sa pag-arte last year via AnnaKarenina. Huli siyang napanood sa Rhodora X at agad siyang nabigyan ng lead role as Dolores sa remake ng Yagit.

Sa movie version ng naturang TV series noong 1984 na Mga Batang Yagit, ang role ni Yasmien ay ginampanan ni Charo Santos-Concio. Kaya pressured si Yasmien na baka makumpara ang acting niya kay Ms. Charo.

“Nakakakaba po kasi si Ms. Charo ang gumanap sa role ko in the film version. Sana po nagampanan ko ng tama para hindi nakakahiya. Someday gusto ko pong maging isang Charo Santos din,” tawa pa niya.

Busy din si Yasmien sa regional auditions ng Starstruck 6. Pag-amin ni Yas na masyado raw siyang mabait sa mga nag-o-audition.

“Kasi napagdaanan ko ang pinagdaraanan nila ngayon. Naranasan ko ang mapagsungitan ako, okrayin ako—alam ko ang feeling.

“Kaya ayokong may sumama ang loob sa akin. Alam kong they are trying their best at maganda iyon. Gusto kong maging confident sila at hindi ‘yung umalis sila ng audition na malungkot sila,” pagtatapos pa ni Yasmien.

Frank Magalona hindi pinigilan ang ate na si Maxene na lumipat ng Dos

Hindi na raw nagulat si Frank Magalona sa paglipat ng kanyang ate Maxene Magalona sa ibang TV network after ng ilang years na pagiging talent nito sa GMA-7.

Napag-usapan naman daw nilang magkakapatid ang ginawang career move ni Maxene at susuportahan pa rin daw nila ito kahit na nasa ibang TV network na siya.

“Tinanong naman namin si Ate Max kung bakit gusto niyang lumipat? She wants daw kasi na tuluy-tuloy ang work niya at hindi ‘yung nababakante siya.

 “And she wants to work din with other stars na hindi taga-GMA 7 naman.

“So okey naman ang gusto niya and if she feels na mas magiging happy siya sa paglipat, then we are happy for her.

“Hindi lang kami sure kung ano ang gagawin niyang show doon. I just watched her recently sa Showtime. And it was okey naman. Maganda ang pagtanggap sa kanya.”

Wala naman daw magiging issue kung sakaling tumapat ang magiging show ni Maxene sa show niya o sa show ng isa pa nilang kapatid na si Elmo Magalona.

“Just as long na we support one another. Family pa rin kami after the end of each day.”

Hindi nawawalan ng teleserye si Frank at kasama siya sa bagong teleserye ng GMA-7 na Yagit. Bukod sa acting ay si Frank din ang namamahala sa apparel business nila, ang Three Stars and the Sun shirts.

Pancho nag-enjoy sa pagiging kargador

Ayaw nang isipin ng Kapuso hunk na si Pancho Magno na baka next year ay magbibida na siya sa teleserye. Sa ngayon daw ay masaya siya bilang isang leading man ni Andrea Torres sa telefantasya na Ang Lihim ni Annasandra.

Kung tutuusin ay mabilis ang progreso ni Pancho. Dumaan muna siya sa pagiging best friend ng bida, naging kontrabida sa bida hanggang sa leading man status na siya.

Masyado raw mabilis ang lahat pero gusto ni Pancho na paunti-unti ang pag-asenso niya.

“Masuwerte lang siguro ako na may mga role na bumabagay sa akin. Like rito sa Ang Lihim ni Annasandra, bagay sa akin ang maging kargador sa palengke.

“Hindi naman tayo choosy sa mga roles na binibigay sa atin. Kung ano ang dumating, tanggapin natin kasi trabaho ‘yan.

“Tsaka first time kong makasama si Andrea. Si Mikael Daez, noong Amaya ko pa nakatrabaho. Kaya okey ang working relationship naming tatlo,” ngiti pa ni Pancho.

Big threat si Pancho sa mga budding leading men ng GMA-7 dahil ngayon pa lang ay may malaking edge na ito.

Kasi raw ay anak ng isang TV executive si Pancho kaya mas nabibigyan siya ng priority kesa sa mga nauna pa sa kanya.

“Unfair naman para sabihin nila iyon. Noong pinasok ko ang trabahong ito, alam kong may ganyang mga mangyayaring usapan. Sinabihan na ako tungkol sa ganyan kaya may choice ako kung ituloy ko ba o hindi.

“I want to prove them wrong. Kung ano ang marating ko ngayon, dahil iyon sa pagsusumikap ko. Professional tayo kaya sana iyon ang makita nila sa akin,” pagtatapos pa ni Pancho Magno.

ANG LIHIM

FRANK MAGALONA

KAYA

NIYA

PANCHO

SIYA

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with