^

Pang Movies

Demanda sa taga-Maynilad ni Glydel walang urungan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Itinuloy ni Glydel Mercado ang demanda niya laban sa mga lalaki na nagpakilala bilang mga empleyado ng Maynilad at nagtangka na hingan siya ng datung.

Biktima ng extortion si Glydel na nagalit nang husto sa panloloko na ginawa ng suspect kaya dinala niya sa korte ang kaso. Kung hindi nagdemanda si Glydel, baka marami pa ang maging biktima ng mga extortionist dahil sa mga tampered meter na nakuha sa kanilang pag-iingat.

Walang plano si Glydel na i-atras ang kanyang demanda dahil naniniwala siya na dapat turuan ng leksyon ang mga extortionist.

Suportado ni Tonton Gutierrez ang legal battle ng kanyang misis. Nangyari ang insidente noong August 8. Isang Edwin Vargas ang lumapit kay Glydel at nagsabi na bayaran niya ang water bill ng kanyang salon sa Maynila na nagkakahalaga ng P97,000.

Ang sey ng suspect, tampered ang metro ng tubig sa parlor ni Glydel na tumanggi na bayaran ang malaking halaga.

Sinabi ni Vargas kay Glydel na lahat ng mga empleyado ng Maynilad, may incentive na 20% commission mula sa bill kapag nakahuli sila ng mga tampered meter.

Inutusan ni Vargas si Glydel na magbigay na lamang ito ng P18,000 na 20% ng halaga ng water bill na sinisingil niya. Nagpadagdag din ang suspect ng P3,000 para sa Maynilad auditor na dudukot o mag-aalis ng bill records ni Glydel sa Maynilad.

Natunugan ni Glydel ang modus operandi ng suspect. Nagpanggap siya na pumayag na magbayad ng P21,000 pero nagsumbong siya sa mga barangay official na tumulong sa kanya para mahuli si Vargas.

May ibang lalake na inutusan si Vargas para kunin mula kay Glydel ang pera. Nasa akto na tinatanggap ng representative ni Vargas ang pera nang dumating ang apat na pulis na dumakip sa kanya.

Napag-usapan ang kaso na isinampa ni Glydel laban sa mga extortionist sa presscon ng Ang Lihim Ni Annasandra.

Si Glydel ang gumaganap na nanay ni Andrea Torres sa Ang Lihim Ni Annasandra.

Anak nina Boyet at Sandy sa lihim… inilipat

Totoo na nawala sa cast ng remake ng Yagit si Gabriel De Leon pero hindi ito na-offend dahil inilagay siya ng GMA 7 management sa Ang Lihim Ni Annasandra, ang fantaserye na bukas na ang pilot telecast. Si Gabriel o Gabs ang youn­gest son nina Christopher De Leon at Sandy Andolong.

Ginagampanan ni Gabs sa Ang Lihim Ni Annasandra ang role ng isang mabuting kaibigan na hindi nalalalayo sa kanyang karakter dahil mabait na kaibigan at mabuti na anak siya sa tunay na buhay.

Tinapos muna ni Gabs ang pag-aaral bago siya sumabak sa showbiz dahil ito ang request ng kanyang mga magulang. Nang magtapos siya ng college, ang pag-aartista na ang hinarap ni Gabs dahil gustong-gusto niya na sundan ang yapak ng kanyang ina at ama.

Derek at Jennylyn nagkakagustuhan na?!

Supportive friend si Derek Ramsay kay Jennylyn Mercado dahil tumutulong siya na i-promote ang bagong record album ng kanyang leading lady sa English Only Please, ang pelikula na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Naging close sina Derek at Jennylyn sa shooting ng kanilang romantic comedy movie.

Ewan ko lang kung bibigyan ng romantic angle ang kanilang friendship dahil parehong walang karelasyon ang dalawa. Binata si Derek at dalaga si Jennylyn kaya walang masama kung magustuhan nila ang isa’t isa.

 

vuukle comment

ANDREA TORRES

ANG LIHIM NI ANNASANDRA

DAHIL

DEREK

GLYDEL

JENNYLYN

MAYNILAD

SIYA

VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with