^

Pang Movies

Sarah Lahbati hindi masyadong nagsasalita sa bahay nila Richard!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Masaya si Ruffa Gutierrez dahil may bago na naman siyang pamangkin. Nanganak na kasi last Tuesday si Alexandra Uichico na girlfriend ni Elvis Gutierrez pero bawal sabihin ang detalye dahil una muna syempre itong mapapanood sa It Takes Gutz to be a Gutierrez reality show na magsisimula na ngayong Sunday, October 5 sa E! Channel.

“Well, at least, hindi sekreto. Alam ng mga taong may bata talaga,” say ni Ruffa na ikinatawa namin.

Ang ibig niya siguro kasing sabihin, unlike nang  manganak noon si Sarah Lahbati sa anak nila ni Richard Gutierrez na kailangan talagang ilihim ng pamilya.

Nahirapan ba siya noon kapag tinatanong siya kung may anak na si Richard?

“Yeah, actually, even my own family members, mga pinsan ko, mga tita ko, they got mad at me kasi tinatanong nila ako, and I would say, “ah talaga? Saan? Anon’g bata? Wala akong alam.”

Siyempre, unang-una raw, wala siya sa posisyon to be the first one to divulge.

“Number one, it’s not my secret to tell. Basta sabi ko lang noon, I didn’t know kasi I didn’t know naman talaga until December. Na-meet ko lang talaga si Zion nun’g Christmas when I went to the States. Eh lahat kayo, tinatanong n’yo ako before December,” she said.

Mas gusto ni Ruffa na mauna raw munang pakasal sina Elvis at Alexa kaysa kina Sarah and Richard dahil mas matagal na raw ang relasyon ng una.

Eight years na ang relasyon nina Alexa and Elvis   kaya mas tama lang daw na magpakasal na ang mga ito.

When asked kung ano naman ang masasabi niya kay Sarah since magkasama sila sa bahay, aniya ay mahiyain pa rin daw ito at tahimik lang.

But the first time she saw Sarah noon pang baguhan pa lang ito, gandang-ganda na raw siya sa young actress.

“Mabait siya and up to now, she’s still mahiyain, hindi siya umiimik masyado, she reads books, nagbabasa lang ng libro, nagwo-work out, very soft spoken,” say ni Ruffa.

Pamilya Eigenmann hindi na isasaboy sa laot ang abo ni Mark

Nagdesisyon na ang Eigenmann family na hindi na isasabog sa laot ang ashes ng namayapang si Mark Gil at itatago na lang daw nila ito.

“Baka hindi matahimik ang soul ni Daddy,” say ni Gabby Eigenmann, anak ni Mark Gil, “so we decided to keep it na lang, itatago na lang ni Michael.”

Isa sa kahilingan ni Mark bago ito namatay ay isaboy ang ashes niya sa laot pero say ni Gab, okay na raw siguro kung hindi ito masunod dahil lahat naman daw ng kahilingan nito ay sinunod nila maliban lang sa bagay na ito.

“Lahat nagawa namin, puwera lang ito. Marami kasi ang nagsasabi na baka hindi matahimik ang soul niya. ‘Yung sabi nila, you can only keep daw for a year ‘yung urn tapos, kailangan daw naming ilagay sa columbarium,” say ni Gab.

Bagama’t hindi pa gaanong nakaka-recover ang aktor sa pagpanaw ng ama, life has to go on ‘ika nga lalo na’t nasa huling mga episodes na sila ng Dading na serye niya every afternoon sa GMA 7.

Sa Oct. 10 na ang last airing nito at masayang-malungkot ang aktor sa pagtatapos nito but at the same time ay very proud.

“It’s one of the most unforgettable projects that I’ve done and dahil konti lang kami sa cast, talagang na­ging malapit kami sa isa’t isa. And happy dahil, sobrang na-grasp ng manonood ang show namin, sobra nilang tinangkilik, ang gaganda ng mga feedbacks, comments. Masaya,” he said.

 

vuukle comment

ALEXA AND ELVIS

ALEXANDRA UICHICO

ELVIS GUTIERREZ

GABBY EIGENMANN

LANG

MARK GIL

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with