^

Pang Movies

Jodi mas piniling mamahinga kaysa magkontrabida

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa farewell presscon ng Be Careful with My Heart ay nilinaw ni Jodi Sta. Maria ang tsismis na siya ang gaganap na Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na pagbibidahan nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

 “Gusto ko lang pong klaruhin kasi ‘yung iba nag­labasan na sa akin napunta ang proyekto. Hindi po. Well, alam po ng ABS-CBN ‘yan na gusto ko pong magpahinga pagkatapos ng Be Careful with My Heart,” say ni Jodi.

Ayon pa sa aktres, wala raw siyang alam sa naturang project at nakakahiya naman daw sa mga artistang na-offer-an.

Matatandaang ang papel na Amor Powers sa Pangako Sa ‘Yo ay orihinal na ginampanan ni Eula Valdez at hanggang ngayon ay nakatatak pa ito sa pagkatao ng aktres.

Anyway, natanong si Jodi kung open ba siya na makatrabaho ang Kathniel loveteam, say ng aktres ay oo naman daw.

“Bakit naman hindi? Natutuwa ako sa dalawang bata na ‘yan dahil despite the fame na mayroon sila ngayon, they remain humble considering their stature. Pinaunlakan nila ang Be Careful with My Heart, nag-guest sila for limited engagements. So walang problema na makasama ko sila sa proyekto,” say ni Jodi.

Speaking of Kathniel, tapos na pala ang guesting nila sa BCWMH. Ayon sa produksyon, gustuhin man nilang patagalin pa ang dalawa sa show, lumipad na raw ang mga ito para sa Kapamilya Go Concert series abroad.

Karla proud sa pag-amin ni Daniel

Ayaw nang pangalanan pa ni Karla Estrada kung sino ang kaibigan ni Daniel Padilla na nagtraydor sa pamamagitan ng pagre-record ng usapan nilang magkakaibigan at in-upload sa Internet.

Ang deskripsyon na lang na ibinigay ni Karla sa panayam niya sa Aquino & Abunda Tonight last Friday, mas matanda raw ito kay Daniel and although hindi close, kaibigan daw ito ng anak way, way back pa.

Nagde-deny daw itong guy na siya ang “salarin” pero ito lang naman daw ang may hawak na cell phone nang time na nag-uusap ang magbabakarda.

Anyway, bagama’t nagkamali ang anak, proud naman si Karla how Daniel handled the issue. Hinarap nito ang sitwasyon, ina­min ang pagkakamali kay Kathryn Bernardo at sa buong sambayanan, nag-apologize at nagsabing isang leksyon ito sa kanya.

Shaira nagpasalamat sa tiwalang ibinigay ng TV5

This Monday (Sept. 29), ang episode naman nina Mark Neumann at Shaira Mae dela Cruz ang mapapanood sa Wattpad Presents ng TV5, ang Mr. Popular Meets Nobody.

First lead role ito ni Shaira Mae pero si Mark ay naging leading man na ni Alice Dixson sa isang proyekto rin ng TV5.

“’Yung first namin ni Mark, ‘yung Confessions of a Torpe, ‘yun po ‘yung parang launching namin as a loveteam,” say ni Shaira.

Siyempre, sobrang happy raw niya na nabigyan sila ng sariling mini-series.

“Masayang-masaya and looking forward na sana masundan pa and thankful sa TV5 kasi pinagkatiwalaan nila kami and ‘yun, inuna kami, parang ganu’n,” say ni Shaira.

Si Mark naman, after Confessions of a Torpe, na torpe ang role niya, rito raw sa Mr. Popular Meets Nobody ay kabaligtaran naman ang papel niya na isang siga.

“Malayo po sa personality ko in real life kasi hindi ako siga. Actually, ako ‘yung na-bully when I was a kid, pero in this role, ako ‘yung nangbu-bully so I had to put extra effort para. . . (magampanan),” say ni Mark.

Isang linggong tatakbo ang mini-series nina Mark and Shaira at kasama rin dito sina Lander Vera Perez, Perla Bautista, Diego Loyzaga, Carlos Morales, at marami pang iba.

vuukle comment

AMOR POWERS

BE CAREFUL

JODI

KARLA

MR. POPULAR MEETS NOBODY

MY HEART

NAMAN

PANGAKO SA

SHAIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with