^

Pang Movies

Pero pinalakpakan pa rin ng mga nagwawalang fans James nahulog sa palpak na stage habang kumakanta sa Bachelor’s Bash!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakangiti pang ipinakita ni James Reid ang brasong may mga galos sa kanyang Instagram account matapos mahulog sa stage ng isang bachelor’s bash ng isang magazine.

Kasi naman, ‘yung designer ng stage, palpak!  Hayun tuloy, naaksidente si James! Buti na lang at meron siyang pre­sence of mind, huh!

Nasaktan man, siguradong solved na solved si James sa nakabibinging pagsigaw sa kanya ng crowd na aprub na aprub sa ganda ng kanyang katawan at kakisigan, huh!

Aktres pinasasakit ang ulo ng staff nang tinanggap na indie movie

Sakit daw ng ulo ang isang aktres sa indie movie na tina­nguan niyang gawin.  Pinahihirapan kasi niya sa pagbibigay ng schedules para sa shooting ang mga staff.

Eh, nu’ng unang in-offer sa aktres ang project, sunggab agad ang aktres komo nga bida siya at maganda ang kuwento.

Hindi na natuto ang mga taong ito na gustong kunin ang serbisyo ng aktres na ningas kugon lang ang interest sa ginagawang project, huh!

Umiral na naman ang kalandian seksing aktres baguhang produkto ng reality show ang tinatarget

Target ng isang seksing aktres ang isang baguhan na produkto rin ng reality show.  Lumalabas ngang muli ang kalandian ng seksing aktres sa kanyang social media.

Feeling tuloy ng nakakakilala sa seksing aktres, gusto lang niyang tikman ang baguhang lalaki. May reputasyon kasi siyang mahilig sa tikiman basta natipuhan niya ang guy, huh!

Ang seksing aktres pa rin daw talaga ang nagbibigay ng motibo upang pasukin ng lalaki ang patibong niya. Once matikman at pagsawaan, look na naman siya ng ibang lalaki to satisfy her “cravings,” huh!

Kaya pala ‘di nagsasalita sa relasyon sa BF, aktres may problema pa sa ex-husband

Sadyang binusalan ng aktres ang bibig dahil hindi pa pala tapos ang problema niya sa unang asawa. So kapag muli siyang nauurirat sa boyfriend, iwas siya sa pagsagot, much more, hindi sinasagot ang tanong ng press.

Pero walang katotohanan na nagkakalabuan na ang aktres at ang kanyang boyfriend. Still very much in love pa rin sila pero sila na rin ang umiiwas na maispatan sa publiko na magkasama, huh!                                                                       

 

vuukle comment

AKTRES

BUTI

HAYUN

HUH

INSTAGRAM

JAMES REID

KASI

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with