Daniel laging sinasalo si Kathryn
MANILA, Philippines - Kamuntik madulas si Kathryn Bernardo patungo sa CR noong Star Magic Ball. Mabuti na lang naroroon si Daniel Padilla na ready siyang saluhin.
Habang tumatanda, Mayor Bistek lumalakas ang appeal!
Mahal talaga ni Mayor Herbert Bautista ang showbiz. Gusto niya kasing magkaroon uli ng Quezon City Film Festival na pinagmulan ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Gustong pabonggahin ni Mayor ang Kyusi. Tutal daw, lahat ng network at mga movie offices ay nasa Kyusi area. Pangarap nga niyang maging mala-Hollywood ang Kyusi, dahil naroon lahat ng artista.
Noong pa-birthday party for the press ni Bistek sa Valencia Homes ni Mother Lily, nagbiro siya kay Leah, powerful girl ng Regal films, na isali naman siya sa pelikulang ginagawa sa Regal. Dating artista si Mayor, kaya hindi nakapagtatakang sabihin ito.
May nadinig nga kaming aktres na nagkomento bakit daw lakas ng appeal ngayon ni Bistek. Habang nagma-mature nagiging strong ang personality at nakahahanga. Marami nga ang pumalakpak kay Bistek noong sampalin ‘yung Intsik na nahuli sa Kyusi. Imagine nga naman, ilang kabataan ang sisirain ang buhay ng drug pusher na nahuli. Pero ang nakakahanga, nag-sorry si Bistek dahil sa pananampal. Gayung kung tutuusin hindi dapat nag-sorry dahil malaking kasalanan ang ginawa ng tsekwang ‘yon.
Direk Erik binalikan ng fans ni Lovi
Nag-react ang fans ni Lovi Poe sa akusasyon ni Direk Erik Matti na isa itong starlet. Sa galit kasi ni direk ay nasabihan niyang starlet ang aktres. Komento ng mga fans, si Nory Dalisay lang ang may hawak ng title na starlet, at hindi si Lovi Poe. Saka karapatan ni Lovi na magbigay ng presyong gusto niya, sakaling napakataas at hindi kaya nang nag-aalok, bakit hindi kumuha ng iba? Maraming higit na magagaling kay Lovi, kung hahanap lang sila.
- Latest