^

Pang Movies

Kris Bernal mas gustong maging single

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Inamin ni Kris Bernal na hindi na sila nag-uusap ng kanyang ex-boyfriend na si Carl Guevarra.

Sa sobrang busy daw ni Kris ngayon sa taping ng Hiram na Alaala, hindi na rin daw niya naiisip kung ano ang naging problema sa kanilang dalawa ni Carl at nagtapos na ang relasyon nila.

“On and off kasi kami ni Carl. May mga times talaga na hindi kami nagkakasundo.

“Siguro nga it’s better na ganito na ang mangyari. Kesa sa lagi kaming may pinagtatalunan. Ayoko ng gano’ng stress sa ngayon.

“Mabait naman si Carl, pero wrong timing lang talaga. We deserve to be happy siguro with other people,” diin pa ni Kris.

Ayon kay Carl, two years ang naging relasyon nila ni Kris. Pero ayon naman kay Kris, hindi niya masasabing umabot sila ng gano’ng katagal.

“Like what I said, on and off kami. Kung sinasabi ni Carl na umabot kami ng two years, siguro nga. Hindi rin kasi ako nagbibilang dahil magulo rin ang naging samahan namin.

“Kaya hindi ko masasabi talaga na inabot kami ng dalawang taon. Lesser pa siguro doon.”

Dahil single na ulit si Kris, ayaw daw muna niyang mag-entertain ng mga manliligaw. May isang non-showbiz guy daw na gusto siyang ligawan pero ayaw itong paasahin ni Kris.

“Ayokong matawag akong nagpapaasa sa mga lalake.

 “May mga nagsasabi na gano’n ako. Unfair naman kasi wala namang akong pinapaasa. Kapag sinabi ko namang hindi puwede, hindi talaga puwede.

“Gusto ko munang single ako. Ayoko na muna ng stress sa personal na buhay ko,” pagtatapos pa ni Kris Bernal.

Chasing Boulevards nina Kiko at Kim naluma na lang na hindi natatapos

Worried si Kim Rodriguez na baka hindi na maipalabas ang indie film na ginawa nila ni Kiko Estrada na Chasing Boulevards.

One year in the making na raw ang naturang indie film kung saan una silang nagkakilala ni Kiko.

Balita raw ni Kim na naubusan daw ng pondo ang kanilang producer kaya ilang beses na natengga ang kanilang shooting na dapat ay ilang araw lang.

“Ang alam ko po, malapit na iyon matapos. Pero biglang hindi na kami pinapatawag pa. Ewan ko kung ano na mangyayari sa movie. Maganda pa naman po sana ang story niya.

 “Tsaka iba pa po ang hitsura namin ni Kiko doon. Mga bagets pa ang hitsura namin. Baka ma-confuse ang mga tao kapag napanood nila kasi iba na ang hitsura namin ngayon!” tawa pa ni Kim.

Pero nagkasama pa rin sina Kim at Kiko sa primetime teleserye ng GMA na Strawberry Lane.

Kahit na super-deny sila na wala silang relasyon, walang naniniwala dahil sweet na sweet sila sa kanilang mga pino-post na mga photos sa Instagram.

 

vuukle comment

AYOKO

CHASING BOULEVARDS

KIKO

KRIS

KRIS BERNAL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with