^

Pang Movies

Mga dating kuwento binubuhay ng Kapamilya

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Feel mo ba, Salve A., kasalukuyang uso sa showbiz, lalo’t sa TV, ang so-called “changing of the guards.”

Consider the upcoming shows ng ABS-CBN, the biggest Network, kumbaga.

Young stars Enrique Gil at Liza Saberano are the lead stars ng bagong teleserye nilang Forevermore, the same title which catapulted to stardom ng dating reel-and-real life tandem nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

New love team Nadine Lustre at James Reid will soon head the cast of Deo Edrinal’s Dreamscape Entertainment Television’s new production, My App. Boyfie.

If things do not miscarry, Nash Aguas and Alexa Ilacad, after their team-up in a one-month four episodes of Wansapanataym, will do Inday ng Buhay Ko, first lead series nila as a team. So is Sharlene San Pedro at Jarius Aquino, we heard, in an upcoming comedy series na ang title ay Inday, Inday sa Balitaw.

And for the current teenage King and Queen, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, they will be seen naman sa series na may titulong Pangako Sa ’Yo another title of a romantic teleserye na pinangunahan nina Jericho at Kristine noon.

Trenderas umpisa na

No need to repeat na sa new musical show ng TV5, Trenderas, tatlong mga baguhang singers will be featured. And they are Isabelle de Leon, Katrina Velarde, at Lara Maigue.

Trenderas will start airing tonight, 9 to 9:30.

Sa GMA 7 naman, sa kanilang bagong series, Strawberry Lane, ang mga bida ay sina Bea Binene, Jake Vargas, Kiko Estrada at Kim Rodriguez.

Kiko, if you recall, ay leading man sana ni Julia Barretto sa natapos na ser­yeng Mirabella.

Pero he was replaced by Enrique Gil dahil nga wala pa itong masyadong pangalan.

Si Kiko ay anak ng former actor now politician Gary Estrada at Cheska Diaz.

Direk Wenn horror ang pa-birthday sa sarili

In Star Cinema’s soon-to-be released horror-suspense-drama Maria Leonora Teresa, tiyak, ayon kay Iza Calzado, na isa sa mga bida, aside from Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria, hahangaan daw ang performances ng mga batang gumanap ng title roles: Red Bustamante, JC Movida, at Juvy Bison.

“Ang gagaling nila,” ani Iza. “Di lang sa mga eksenang normal na mga bata noong supposedly buhay pa sila, pero nang maging mga manika na rin.”

Yes, ayon kay Direk Wenn Deramas, who is at the helm of Maria… ang mga bata ring ito mismo ang gumanap na ‘manika’ sa manika portion ng pelikula.

“Kaya, you can imagine the difficulty they had to go through, habang nilalagyan sila ng prosthetics.

“Pero game sila. To the end, wala kang maririnig from anyone of them na reklamo,” sabi naman ni Zanjoe. “Talagang sasaluduhan mo sila.”

“Rigid ang naging audition nila,” pahayag ni Direk Wenn. “Hindi ko sasabihing ‘yung mga ibang bata na nag-audition din for the role ay ‘di magaga­ling.

“Mahuhusay din sila. Kaso, we needed three lang,” ang iiling-iling na sambit ni Direk Wenn, who, by the way turns a year older today (September 13).

Kaya, birthday offering daw niya ang Maria…, which will open in theaters nationwide on September 16.

Sa Tuesday, September 16, ang premiere ng Ma­ria… sa   Megamall.

ALEXA ILACAD

BEA BINENE

BUHAY KO

DIREK WENN

ENRIQUE GIL

INDAY

TRENDERAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with