^

Pang Movies

Jodi puro tawa ang sagot sa problema nila ni Jolo

- Vinia Vivar - Pang-masa

Panay tawa lang si Jodi Sta. Maria kapag natatanong sa kanya si Jolo Revilla sa presscon ng ine-endorso niyang Cosmo Body na isang health and weight loss supplement.

Mahigpit kasi ang bilin ng Star Magic na “no personal questions” kaya puro pahaging lang ang mga tanong sa kanya about Jolo.

May nagsabi ngang kasama pala niya si Jolo sa Star Magic Ball at hindi lang nagpakita kaya hindi totoong nagkakalabuan sila, panay lang ang tawa ni Jodi.

Kitang-kita kay Jodi ang effect ng Cosmo Body dahil super-slim siya ngayon. We learned na three years na pala siyang umiinom ng nasabing slimming pills at sobrang happy siya sa epekto nito.

“When I was pregnant with Thirdy, 42 lbs po ‘yung na-gain ko, so kailangan ko siyang i-lose,” she said.

Ngayon ay 105 lbs. na lang daw ang timbang niya at ito na raw ang ideal weight niya. Kung baga, na-achieve na niya ang desired weight na gusto niya at ‘pag pumayat pa siya ay magiging underweight na raw siya.

Tinanong sa kanya kung ni-recommend ba niya ang Cosmo Body sa mga mahal niya sa buhay without mentioning Jolo’s name, natawa si  Jodi dahil alam naman niya ang tinutumbok ng question.

 “Ako naman po kasi, with the people I know, if I can influence them para to eat healthy and magkaroon ng proper diet and to take the supplement I am taking, bakit naman po hindi?

 “But I cannot force them and I do not force them kung ayaw naman po nila,” she said. 

Karylle nae-enjoy na may katabing matulog at nagigising, pero baby ayaw munang isipin

Sa presscon ng bagong endorsement ni Karylle na Status Salon ay natanong ang singer at host ng It’s Showtime kung may mensahe ba siya para sa ex-boyfriend na si Dingdong Dantes na as we all know ay ikakasal na kay Marian Rivera.

Ayon kay K (tawag kay Karylle), ayaw na raw niyang i-ruin pa ang kasal by saying anything.

 “You know, weddings are really beautiful and I’m still in a wedding high kasi ang dami pa naming. . .’yung mga wedding videos namin, hindi pa dumarating, so everytime I see it, everytime we talk about the wedding,  and minsan pinapanood pa namin ‘yung wedding footage namin.

“It’s just so beautiful, so I don’t want to ruin anyone’s big day by saying anything, so I’d just be quiet over here. ‘Yun na lang po. Siyempre, everyone deserves to have a beautiful wedding,” she said.

About her married life with Spongecola’s Yael Yuzon, so far, so good naman daw.

“It’s good, kagabi, kumain kami ng gulay, ganyan, very healthy. It’s fun. I actually like it a lot. Na may katabi kang matulog, may katabi kang magising. Sweet.”

Wala pa ba silang plano to have a baby soon?

“Oo nga, eh. I actually don’t know kung dapat ba pinaplano or what. May mga nag-a-advice, ‘di ba ang daming nag-a-advice pag newlyweds kayo, so may mga nag-a-advice na wait one year pa enjoy muna, and adjust.

“Mayroon namang nag-a-advice na huwag mo masyadong isipin na kailangan mong mag-antay ng one year kasi kapag ready ka na, ‘yung baby naman, parang hindi dumarating.

“So, kung baga, ayoko lang siyang isipin masyado pero anytime na dumating na ‘yung baby, ready na,” she said.

Natanong din si Karylle kung kelan babalik si Billy sa It’s Showtime at say niya ay hindi raw niya alam dahil hindi pa raw sila nagkakausap ni Billy.

vuukle comment

BUT I

COSMO BODY

DINGDONG DANTES

JODI

JOLO

KARYLLE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with