^

Pang Movies

Jake hindi pinatatagal ‘pag nag-aaway sila ni Bea

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nabawasan na nga raw ang mga away-away sa relasyon nila Jake Vargas at Bea Binene.

Sey nga ni Jake, since siya ang mas nakatatanda kay Bea, mas iniintindi na lang daw niya ito. Mas mature daw siya kaya siya ang dapat umintindi.

 “Kasi si Bea, 17 years old pa lang. Eh ako 22 na. Kaya sabi nga nila, mas nakatatanda ako, ako ang maging understanding.

 “Hindi naman nawawala minsan ang mga ma­liliit na away namin ni Bea. May mga hindi pa rin kami napagkakasunduan.

 “Pero hindi ko na pinatatagal kung sakaling nag-away kami. Gusto kong maayos kami bago matapos ang araw. Ang panget kasi noong paaabutin pa namin the next day na hindi kami nagkakasundo.

“Kaya bilang ako ang lalaki at mas nakatatanda kay Bea, ako na ang nakikipag-ayos. Okey naman, kasi madali namang kausapin si Bea,” ngiti pa niya.

One year din na hindi nagtambal sina Jake at Bea sa isang teleserye. Huli silang nagsama sa Home Sweet Home noong isang taon pa. Ngayon ay magkasama na ulit sila ni Bea sa Strawberry Lane na pang-primetime ng GMA 7.

 “Na-miss ko rin ang gumawa ng teleserye. Last year pa kasi ‘yung huli. Naging busy naman ako sa mga regional shows at sa Walang Tulugan with the Master Showman. Mabuti naman at nabigyan ulit kami ni Bea ng show at sa primetime pa,” pagtatapos pa ni Jake na kasama rin sa isang public service ad ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Magpi-first anniversary na! Chanda mas masaya ang buhay dahil sa asawa

Mas gumanda nga raw ang paningin ni Ms. Chanda Romero sa kanyang buhay simula noong kinasal siya last year sa kanyang boyfriend of 7 years na si Jose Mari “Mayi” Alejandro.

Sa October 25 nga ay ise-celebrate na nila ni Mayi ang kanilang 1st wedding anniversary.

Patunay si Chanda na it’s never too late para makahanap siya ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya.

 “At my age 59, hindi ko na inaasahan na ikakasal pa ako. Kumbaga, I have given up hope for a man who will ask me to marry him.

 “But all of a sudden, this man came into my life. Even if it took us seven years to really get to know one another and become husband and wife, it was worth the wait.

 “So I am telling everybody out there—it’s never too late!” tawa pa niya.

Kasama nga rin sa cast ng Strawberry Lane si Chanda bilang si Digna, ang tagabantay at taga-disiplina sa mga batang inaalagaan niya sa Bahay Bagong Pangarap.

Makalipas ang mahigit dalawang dekada, George magpapakasal na uli

Sa September 26 na ang wedding date ng Hollywood actor na si George Clooney sa kanyang fiancée na si Amal Alamuddin. Magaganap ang kanilang wedding sa Venice, Italy.

Si George ay tinawag na “notorious” Hollywood bachelor dahil nakailang high profile relationships na siya, pero wala pa rin siyang pinakakasalan. Hanggang sa dumating nga si Amal at ito na ang babaeng bumihag ng kanyang puso.

 “I met my lovely bride-to-be here in Italy, whom I will be marrying in a couple of weeks, in Venice of all places,” sey pa ni George sa People magazine.

Noong October 2013 sila unang namataan in London publicly dating. Since then ay nakita na silang dalawa sa iba’t ibang lugar in New York, Tanzania, and Seychelles. Last April ay na-engage na ang dalawa.

This will be George’s second marriage. Una siyang ikinasal sa actress na si Talia Balsam in 1989 pero nag-divorce sila in 1993.

At tulad nga ni George, interest din ng kanyang bride-to-be ang mga humanitarian causes.

 “Amal is a brilliant and passionate defender of human rights who has put in the enormously hard work necessary to improving them,” pagpuri pa ni George sa kanyang soon-to-be Mrs. Clooney.

vuukle comment

AKO

AMAL ALAMUDDIN

BAHAY BAGONG PANGARAP

BEA

BEA BINENE

CHANDA

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with