^

Pang Movies

Kaya inuurirat ang role na tinatanggap, aktres takot sa death scene!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sorry na lamang pala kung sinuman ang kukuha sa isang actress, kung may death scene siya at kailangan niyang ipasok sa kabaong. Never palang pumayag ang actress sa ganoong eksena.  Ewan kung may trauma siya sa ganoong eksena, pero totoo naman na hindi lahat ng artista ay papayag na ipasok sila sa kabaong.  Kaya ang actress, tinatanong pala muna kung ano ang mangyayari sa kanyang character at kung may death scene, nakikipag-compromise na siya kung ano ang gagawin sa said scene.

Mga batang nakulong sa pagawaan ng sardinas, ginawan ng pelikula

Naimbita kami sa presscon ng Tumbang-Preso pero hindi pala ito ang laro ng mga bata kundi isang indie film tungkol sa human trafficking at may genre na suspense-thriller. Idinirek ito ni Kip Oebanda at based sa true story niya nang isilang siya habang nakapiit ang kanyang ina during the Martial Law.  Ang karanasan niya ay isinalin sa story ng magpinsang sina Carlo (Kokoy Desantos, 14) at Jea (Therese Malvar, 13) na naniwalang may trabahong ibibigay sa kanila sa Manila pero nakulong lamang sila sa isang sardines factory. Eye-opener ang eksenang naglalagay ang mga bata ng sardinas sa lata at nahihiwa ang kanilang mga daliri, pero sabi raw ng may-ari, “okey lang, ‘di na mapapansin ‘yan dahil pula naman ang sauce.”  Pero niliwanag ni Direk Kip na noong araw pa iyon, dahil ngayon, machine na ang gina­gamit ng sardines factory sa paglalata nila ng produkto nila. Tampok din sa indie film sina Kean Cipriano, Ronnie Lazaro, Kerbie Zamora, Ms. Jaclyn Jose, at may special participation si Shamaine Buencamino. Produced by Albert Almendralejo and Direk Kip, showing na sila sa October 8 exclusively sa SM Cinemas.

Bagets na pinataob ang mga beterano, umaasang magkaka-career na sa GMA

Itinuwid na ng unang nakilala sa name na Tere Malvar na Therese Malvar, ang tunay niyang pangalan, ang ginagamit na niya simula nang mag-sign siya ng co-management contract with GMA Artist Center ang manager niyang si Ferdy Lapuz.  Si Therese ang tumalo kina Nora Aunor at Vilma Santos sa Gawad Urian sa mahusay niyang pagganap sa Cine Filipino entry na Ang Huling Cha-Cha ni Anita. She’s hoping na mabigyan siya ng magandang project dahil aminado naman siyang she’s too thin and small for a 14-year old.  Gumanap na siyang batang Jennylyn Mercado as Roxanne sa drama series na Rhodora X.  At papasok na siya sa educational show na Tropang Potchi na napapanood every Saturday, sa GMA 7.

ALBERT ALMENDRALEJO AND DIREK KIP

ANG HULING CHA-CHA

ARTIST CENTER

CINE FILIPINO

DIREK KIP

FERDY LAPUZ

GAWAD URIAN

THERESE MALVAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with