^

Pang Movies

Jinggoy tinamaan ng trangkaso, hindi nakasipot sa bail hearing

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May bail hearing kahapon sa Sandiganbayan si Senator Jinggoy Estrada pero hindi ito nakadalo dahil may sakit siya.

Pinilit ni Papa Jinggoy na makapunta sa hearing pero masamang-masama talaga ang kanyang pakiramdam.

Usung-uso ngayon ang sakit dahil sa pabagu-bago na lagay ng panahon. Mainit na mainit sa umaga pero biglang umuulan nang malakas tuwing hapon hanggang gabi.

Prone pa naman sa trangkaso sina Papa Jinggoy at Senator Bong Revilla, Jr. dahil nakapainit ng mga kuwarto nila sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

 “Get well soon” ang mensahe na ipinararating kay Papa Jinggoy ng kanyang mga supporter na nag-expect na makikita siya kahapon sa Sandiganbayan.

Renz hindi pa rin makahanap ng kapalit ni Maxene

Nakalimutan kong i-greet ng happy birthday noong September 8 ang inaanak ko na si Renz Fernandez, ang bunso nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez.

Working si Renz sa kanyang kaarawan dahil may taping siya para sa Yagit, ang upcoming afternoon te­leserye ng GMA 7.

Hindi ko na tinanong ang mga birthday wish ni Renz, pero may wish ako para sa kanya, ang makilala na niya ang girl of his dreams. Hindi pa nagkakaroon ng karelasyon si Renz mula nang maghiwalay sila ni Maxene Magalona.

Akting ni Andre napapansin na

Natutuwa si Andre Paras dahil napapansin na ang acting niya sa The Half Sisters.

Nababasa at nakakarating kay Andre ang mga feedback  tungkol sa big improvement ng performance niya sa The Half Sisters.

Malaki ang chance ni Andre na maging mahusay na dramatic actor, basta magaganda at challenging ang mga role na ibinibigay sa kanya.

May pinagmanahan naman si Andre dahil parehong may acting ability ang kanyang mga magulang na sina Benjie Paras at Jackie Forster.

Malayo pa ang mararating ni Andre sa showbiz dahil bagets pa siya at may disiplina sa katawan. Seryoso siya sa kanyang pag-aaral at profession sa showbiz.

Tia Pusit maraming komplikasyon ang sakit

Invited ako sa pamisa ni AiAi delas Alas para sa birth anniversary ni Mama Mary sa clubhouse ng Quezon City village na tinitirhan niya pero hindi ako nagpunta dahil gabi ang okasyon.

Kung nakadalo ako sa misa, na-meet ko sana ang mhin na nagpapatibok ngayon nang todo sa puso ni AiAi.

Nakakuwentuhan ko sana si Nova Villa at nausisa ko tungkol sa latest development sa karamdaman ng kanyang kapatid na si Tia Pusit.

May mga tao na hindi alam na magkapatid sina Mama Nova at Tia Pusit. Nagulat sila nang mapanood nila sa Startalk ang interbyu kay Mama Nova at ang panawagan nito na ipagdasal si Tia Pusit.

Sa mga hindi nakakaalam, younger sister ni Mama Nova si Tia Pusit na mas liberated at open sa pagkukuwento tungkol sa kanyang love life. Mukhang ate lang ni Mama Nova si Tia Pusit dahil baby faced siya.

Anyway, marami ang patuloy na nagdarasal para sa paggaling ni Tia Pusit na maraming kumplikas­yon sa katawan dahil sa kanyang diabetes.

Masuwerte si Tia Pusit dahil nandiyan si Mama Nova na nag-aasikaso at nag-aalaga sa kanya.

AiAi sa 2016 pa magkaka-teleserye

Natawa ang mga reporter sa sagot ni AiAi nang tanungin ito kung kailan uli siya magkakaroon ng teleserye.

Hindi na nag-isip nang malalim si AiAi dahil mabilis ang kanyang sagot na “Sa 2016!”

Bahala na kayong mag-research kung bakit ‘yon ang kanyang brilliant  answer.

vuukle comment

DAHIL

HALF SISTERS

KANYANG

MAMA NOVA

PAPA JINGGOY

PUSIT

RENZ

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with