^

Pang Movies

Kaya nagtagal sa Europe James nanghingi na ng basbas sa mga magulang ng GF na Italyana

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Katuwa ang pahulaan ng ilang netizens na three birds in one bullet ang tinarget ni James Yap sa pagpunta niya sa Europe kasama ang GF niyang Italyanang si Michela Cazzola.

Una, sa treat at bakasyon nila ng nobya bilang champion ang San Mig Coffee team ni James sa katatapos na PBA season kung saan siya rin ang itinanghal na Most Valuable Player (MVP).

Pangalawa, ay ang kumakalat na proposal daw nito sa kanyang GF. Hiningi na nga raw nito ang basbas ng parents ni Michela para makasal sila.

At tuparin kaya ni James ang wish ni Michela na dalawang wedding? Ang isa raw ay sa Italy at isa raw sana sa ‘Pinas. Sinabi naman noon ni James na bukod sa dobleng gastos, ay doble rin daw ang pagod kapag nagkataon.

Pangatlo, ay para suportahan ang Team Gilas sa Spain na pinuntahan din ni James para panoorin ang laban sa 2014 FIBA World Cup. Proud si James sa na-achieve ng Gilas team, na nakipagbunuan ng lakas sa larong basketball sa mga higanteng players ng ibang bansa.

Ang wish ng fans ngayon, payagan din si James sa susunod na FIBA World Cup  para raw makumpleto na nito ang career niya sa basketball.

Jeric Raval magbabalik pelikula

Nakita ko si Jeric Raval sa launching ni Tyrone Oneza sa Rembrandt Hotel kamakailan. Isang mahusay na action star noon si Jeric na parang walang nabago sa hitsura dahil matikas pa rin ang hitsura nito with his black leather jacket na kanyang tatak kahit noon pa.

Humble naman si Jeric sa pagsasabing nagkaedad na rin siya, pero in fairness, guwapo pa rin ang aktor na makinis ang mukha at wala pang sign ng wrinkles. Wala raw kasi siyang bisyo kaya parang bata pa rin ang hitsura ng aktor. Clean living daw kasi siya kaya na-maintain din nito ang maganda niyang panga­ngatawan.

Gumagawa ang opisina ni Jeric ng bahay at saka niya ipinarerenta o ibinibenta. Gumagawa rin sila ng mga bubong o pintuan.

Meron siyang limang anak na ang isa ay nagmu-model sa New York na nagngangalang AJ Raval, 15 years old. Nandito raw ngayon sa ‘Pinas si AJ at nagwu-workshop.

Ibinalita ni Jeric na may gagawin daw siyang indie film na may title na The Fire Fighter. Pero mas excited siya sa pagsasama-sama nila nina Ian Veneracion, Rommel Padilla, Victor Neri, at Zoren Legaspi. Siyempre bakbakan ang tema ng kanilang movie na sisimulan daw nila ngayong September.

Parang ala-Expendables movie raw ito nina Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger, Jason Statham, Jet Li, at Dolph Lundgren.

vuukle comment

ARNOLD SCHWARZENEGGER

DOLPH LUNDGREN

FIRE FIGHTER

GUMAGAWA

IAN VENERACION

JAMES

JAMES YAP

JERIC

JERIC RAVAL

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with