^

Pang Movies

Angeline, Daniel, at iba pa balik-himig handog

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magaganap na sa Setyembre 28 (Linggo), 7:30 p.m., sa Mall of Asia Arena ang finals night ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa na Himig Handog P-Pop Love Songs 2014. 

Bibigyang-buhay ng ilan sa pinakasikat na Filipino recording artists ang 15 napiling kanta sa Himig Handog Pinoy Pop (P-POP) Love Songs 2014.

 “Mas matindi ang labanan ngayong taon dahil mas malawak ang itatampok nating genres ng mga awiting sinulat ng magkahalong veteran at bagong songwriters. At dahil diyan ay mayroon tayong exciting mix ng singers na mag-iinterpret ng ating mga bagong Himig Handog hits,” pahayag ng Star Music head na si Roxy Liquigan kaugnay ng bagong edisyon ng Himig Handog P-Pop Love Songs.

 “Magbabalik bilang Himig Handog interpreters sina Angeline Quinto, Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Marion Aunor, Jessa Zaragoza, at KZ Tandingan. Pero may mga first-timer rin tayo gaya nina Ebe Dancel at Abra, Jugs at Teddy, Janella Salvador, Morisette Amon, Hazel Faith dela Cruz, Michael Pangilinan, at Jed Madela,” ani Liquigan.

Si Angeline ang aawit ng Hanggang Kailan na komposisyon ni Jose Joel Mendoza; si Daniel ng kantang Simpleng Tulad Mo ni Meljohn Magno; Juris ng Hindi Wala ni Nica del Rosario; Morisette ng Akin Ka Na Lang ni Francis Louis Salazar; Jessa ng Bumabalik ang Nagdaan ni Sarah Jane Gandia; Jovit ng Dito nina Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera; Ebe Dancel kasama si Abra ng Halik sa Hangin ni David Dimaguila; Jed ng If You Don’t Want to Fall ni Jude Gitamondoc; Janella ng Mahal Kita Pero ni Melchora Mabilog; KZ ng Mahal Ko o Mahal Ako ni Edwin Marollano; Bugoy ng Umiiyak ang Puso ni Rolando Azor; Jugs at Teddy ng Walang Basagan ng Trip ni Eric De Leon; Marion kasama sina Rizza and Seed Pumapag-ibig ni Jungee Marcelo; at  Michael ng Pare Mahal Mo Raw Ako ni Jovinor Tan.

Samantala, ang songwriter-finalist namang si Hazel Faith ang interpreter ng sarili niyang komposisyong Everything Takes Time.

Sa ika-anim nitong taon, patuloy ang Himig Handog sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obra-maestrang tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon. Ilan sa original Pinoy music (OPM) classic love songs na sumikat sa pamamagitan ng Himig Handog” ang Hanggang ni Wency Cornejo, Kung Ako na lang Sana ni Bituin Escalante, Kung Ako ba Siya ni Piolo Pascual, Bye Bye Na ni Rico Blanco, This Guy’s in Love with You Pare ni Chito Miranda, at ang dalawang big hit noong 2013 na Nasa Iyo Na Ang Lahat ni Daniel at Anong Nangyari sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra.

vuukle comment

ABRA

AIZA SEGUERRA

EBE DANCEL

HAZEL FAITH

HIMIG HANDOG

HIMIG HANDOG P-POP LOVE SONGS

KUNG AKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with