Demanda ni AiAi sa dating asawa, ibinasura ng korte
MANILA, Philippines - Binasura pala ng Quezon City Prosecutor’s Office ang isinampang kaso ni AiAi delas Alas na Anti-Violence Against Women and Children Act (Republic Act 9262) sa kanyang ex husband na si Jed Salang.
Wala raw nakitang sapat na basehan ang korte para umakyat ang reklamo ng komedyana laban sa dating asawa na nakikita ngayong may ibang kasama pag nagpupunta sa Baclaran church.
Ayon sa report, walang isinubmit na medico legal o video man lang ang komedyana na magsisilbing ebidensiya para ma-prove na may ginawa silang sex video at sinaktan siya nito.
Malaking isyu last year ang nangyari kina AiAi at sa asawang mas bagets sa kanya nang akusahan niya itong nambubugbog after nilang makasal sa Las Vegas.
Sandali lang ang naging pagsasama nila bilang mag-asawa dahil nga hindi na nakatiis ang komedyana sa sinasabing pananakit nito.
Ngayon ay balitang may bagong dini-date ni AiAi. At mas bagets din daw sa kanya.
Wow. At least hindi pa na-trauma sa AiAi pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Jed Salang. May karapatan nga naman siyang lumigaya.
Robin may kakaibang role sa bagong talentado
Wala nang urungan, ibinabalik ng TV5 ang original at longest running talent show sa telebisyon, ang Talentadong Pinoy 2014, sa pangunguna ng bagong host na si Robin Padilla at co-host niyang si Mariel Rodriguez.
Simula ngayong August 16, gagawing kakaiba ng Talentadong Pinoy 2014 ang Saturday night viewing sa pamamagitan ng mga unique presentations ng mga Pinoy talents. Bibigyan ni Robin ng fresh feel ang show kasama ang mga contestants sa stage habang bibigyan naman ng bagong perspective ni Mariel ang bawat performances sa tabi ng judges.
Samantala, ibinabalik ng programa ang tanyag nitong red curtain na nagbibigay ng power sa mga judge na ihinto ang mga performances na hindi nila magugustuhan. Pero sa pagkakataong ito ay binibigyan din ng power si Robin na mag-save ng isang contestant tuwing Sabado para sa performance na kanyang matitipuhan maski pa pinagsarhan na ito ng red curtain ng mga hurado.
Bukod kay Robin at Mariel, makakasama rin sa nagbabalik na Talentadong Pinoy 2014 ang comedienne na si Tuesday Vargas kung saan personal niyang kikilalanin ang mga contestant, ang mga pamilya nito at ang kani-kanilang inspiring stories.
At ‘wag mag-alala dahil mapapanood ng long time followers ng Talentadong Pinoy ang raw, original at one-of-a-kind talents ng mga Pilipino tuwing Sabado.
At bilang tradisyon nito, higit sa pagpapakita ng singing at dancing skill talents ng mga contestant, bibigyan din ng oportunidad ng Talentadong Pinoy 2014 ang mga indibidwal na ipakita at ipagmalaki ang kanilang unique skills na siya namang bumubuo sa kanilang pagkatao.
Mapapanood ang Talentadong Pinoy 2014 tuwing Sabado, 7:00 pm to 8:00 pm, mula ngayong August 16 sa TV5.
Kris ‘nakaganti’ sa pananakit ng damdamin ni Herbert
May mga naaliw naman sa interbyuhan nina Kris Aquino at Herbert Bautista sa Aquino & Abunda Tonight last Monday night. Nag-guest si Herbert sa programa para idipensa ang sarili sa pananampal sa suspected drug dealer na nahuli. Eh wala si Tito Boy kaya nag-one on one ang ex lovers.
Hindi pa natatagalan ‘di ba na sumama ang loob ni Kris sa alkalde ng Quezon City nang mas piliin nito ang mga anak kesa sa kanilang relasyon. Todo emote noon si Kris. Kaya naman nang mag-usap sila sa programa last Monday night, may mga sundot ang actress-TV host.
“I apologize to the public, Chairperson Etta Rosales, and especially to the youth. ‘Di ‘ata tama kung magiging leader sila in the future, tapos sasabihin nila, ‘Bakit si Mayor Bistek, no’ng leader siya, ginagawa niya ’to?’
“By nature, kasi hindi ako nananakit ng tao. Physically, hindi ako nananakit,” sabi niya sa interview. Pero ‘di siya nakaligtas kay Kris. “Hindi nananakit si Mayor…damdamin lang. Chos!” sabay tawang pang-uurot ni Krissy.
Sinabi nga rin pala ni Herbert na hindi pa siya sure kung kakandidato niya sa mas mataas na position sa darating na election dahil ang party, LP, party, nina Pres. Noynoy ang magde-decide.
- Latest