^

Pang Movies

Anne nag-iba ang mukhanang patabain

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ibang Anne Curtis ang mapapanood sa The Gifted ng Viva Films dahil pinataba ang kanyang mukha at katawan.

Hindi ko nakilala si Anne sa nakita ko na publicity photos ng bagong pelikula niya. Malayung-malayo sa seksing-seksing Anne na napanood sa Dyesebel.

Si Chris Martinez ang direktor ng The Gifted kaya asahan natin na worth watching ang The Gifted.

Comedy movie ang The Gifted at wala itong kinalaman sa description kay Paolo Bediones ng mga nakapanood sa kanyang sex video scandal kuno.

Natawa kasi ako sa sinabi ng isang entertainment columnist na “gifted” si Paolo na hindi naman kasama sa cast ng movie ni Anne.               

Alfred gusto na uling magteleserye

Ready nang umarte si Congressman Alfred Vargas sa mga teleserye.

Binigyan na ako ni Alfred ng go signal para mag-entertain ng mga alok para sa teleserye.

Maayos na maayos na ang opisina ni Alfred sa Congress at may sistema na ang pamamalakad niya sa District 5 ng Quezon City kaya libreng-libre na siya na umarte uli sa harap ng mga TV camera.

Sa totoo lang, puwedeng-puwede nang mag-concentrate na lamang si Alfred sa public service pero hindi niya talaga matalikuran ang showbiz dahil ito ang nagbigay katuparan sa lahat ng kanyang mga pangarap.       

Proposal ni Dingdong trending na trending

Nag-trending topic noong Sa­bado ang engagement proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera sa live telecast ng Marian.

Ang sabi ng mga Bitter Ocampo, scripted ang proposal ni Dingdong.

Scripted man o hindi, mas marami ang maligaya para sa magsing-irog.

Inggit lang ang mga Bitter Ocampo na kaligayahan na ang manira ng kaligayahan ng ibang tao.

Marami silang mga nega na opinyon at reaksyon pero sila ang mga tumutok sa TV. Paano nila malalaman ang mga eksena ng proposal kung hindi sila nanood mula umpisa hanggang ending ng Marian? So pathetic ‘di ba?

Cinemelaya X isang malaking tagumpay

Natapos kahapon ang 9-day run sa Ayala Malls cinema ng Cinemalaya movies.

Kuntento ang mga organizer ng Cinemalaya sa box office gross ng mga indie movie.

Happy sila dahil sa suporta na ibinigay ng publiko sa mga pelikula na kalahok sa 10th Cinemalaya.

Alam ko na ang title ng mga pelikula na top grosser at posible na magkaroon ng commercial run. Wish ko lang, pilahan din ng moviegoers ang mga Cinemalaya film na ipalalabas sa commercial theaters.

ALFRED VARGAS

ANNE CURTIS

AYALA MALLS

BITTER OCAMPO

CHRIS MARTINEZ

CINEMALAYA

CINEMELAYA X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with