^

Pang Movies

Nagsasama na nga male at female celeb nagsisigawan habang namimili ng toilet bowl

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nagkasundo ang magkarelasyon na male at female celebrity sa toilet bowl na ipapakabit nila sa pinapa-renovate nilang bathroom.

Ayon sa aming reliable source, nakita niyang nagtatalo ang magsyotang ito sa isang furniture and appliance warehouse kung toilet bowl na nagsasalita ba o hindi ang ipapakabit nila?

Hindi raw feel ng female celebrity ang toilet bowl na nagsasalita. Nagkaroon daw siya ng takot sa ganyang klaseng toilet bowl noong minsan siyang nagbakasyon sa Japan at ang hotel na nakuha niya ay may ganyang toilet bowl.

Akala raw niya ay may multo sa hotel dahil bigla na lang itong nagsasalita at umiilaw kahit hindi raw niya ginagamit. Kaya nagpalipat siya ng kuwarto na walang gano’ng klaseng toilet bowl.

Simula raw no’n ay nagkaroon na siya ng phobia sa toilet bowl na nagsasalita.

Si male celebrity naman ay gusto ang ganyang klaseng toilet bowl dahil bukod sa natutuwa siyang nagsasalita ito, may mainit na hangin pa raw na lumalabas pagkatapos niya itong gamitin.

Natuwa raw siya sa ganyang toilet bowl dahil ang kanyang pinsan sa U.S. ay gano’n daw ang pinakabit sa bawat kuwarto ng bahay nito. Self-cleaning daw kasi ito at parating mabango.

Hanggang sa makaalis ang source namin, hindi pa raw natapos ang pagtatalo ng dalawa tungkol sa toilet bowl.

Kung gano’n raw na nagtatalo sila tungkol sa banyo, ibig sabihin ay nagsasama na sila sa iisang bubong.

Sa pagkakaintindi ng aming source, banyo ni male celebrity ang pinapa-renovate nito para lumaki at ma-accommodate ang mga gamit ng karelasyon niyang female celebrity.

Mikael mas lumalim na ang akting

For the third time ay makakatambal ulit ni Mikael Daez si Andrea Torres sa bagong telefantasya ng GMA 7 na Ang Lihim ni Annasandra.

Una silang nagtambal sa Sana ay Ikaw na Nga at sumunod ang With a Smile.

Mas iba na raw ang approach nila sa ikatlong pagsasama nila sa bagong teleserye na ito.

“May growth kami lagi and iba ‘yung ano eh, parang nagde-develop kami together.

“Yung fan base namin na MikAndrea is still very, very strong.

“Ang dami naming nakukuha sa Twitter and social media so I’m very excited kasi tingin ko mas male-level up pa namin ‘yung chemistry namin together and ‘yung acting namin together.

“And like what I said, iba ang roles namin ngayon. Hindi  na ‘yung romantic na tambalan.

“The project is more daring, may mystery, may mabigat na kuwento. Kaya nag-mature na ang cha­racters namin from the first time na magtambal kami.”

Ikalawang show na nga ito ni Mikael kung tutuusin. Meron din siyang weekly sitcom na Ismol Family.

Matapos ang 14 taon, Ian Thorpe nagladlad na rin

Umamin na rin ang five-time Olympic gold meda­list na si Ian Thorpe na siya ay gay.

Ang pag-amin na ito ay ginawa niya sa isang sit-down interview sa isang show sa Australia.

Inabot ng higit na 14 years bago umamin si Ian na siya ay isang bading.

Naengganyo nga raw siyang mag-out na ng kanyang tunay na sexuality dahil ang ibang mga kaibigan niya ay umamin na rin. Pinag-isipan daw niya ito ng ilang linggo hanggang sa ready na siyang ilabas ang katotohanan.

Nabansagan ngang “The Thorpedo” si Ian Thorpe noong 2000 Summer Games sa Sydney, Australia. Kahit na gusto na niyang mag-out noon, natakot siya dahil dala na rin ng kanyang kabataan at baka walang makatanggap sa kanya at maapektuhan ang kanyang pagiging be-medalled na athlete.

 

vuukle comment

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

BOWL

IAN THORPE

ISMOL FAMILY

KAYA

RAW

TOILET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with