^

Pang Movies

Zion todo-smile na kapag nakakakita ng kamera

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Si Zion Gutierrez ang most photographed baby dahil kaliwa’t kanan ang mga request na pictorial mula sa iba’t-ibang publications.

Mas nagiging popular na si Zion kesa sa kanyang mga magulang na sina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Nakakaaliw i-pictorial si Zion dahil hindi siya nagrereklamo as in may ready smile ang bagets para sa mga camera. Malaki talaga ang posibilidad na sundan ni Zion ang yapak sa showbiz ng kanyang mga magulang, lolo, tita, at tito.

Ngayong gabi ang Season 1 finale episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez at mapapanood ito sa E! Asia.

Ang binyag at birthday celebration ni Zion ang mapapanood sa part 6 ng reality show ng mga Gutierrez.

Hindi maiinip ang fans ng It Takes Gutz... sa buong Asia dahil sandali lamang ang pagkawala sa TV ng kanilang favorite reality program. Muling magbabalik sa E! ang I Takes Gutz sa October at bale ito ang Season 2 ng show. Hanggang Season 3 ang kontrata ng mga Gutierrez sa E!

Direk Michael babu na sa It takes Gutz...Direk Rico napupusuang kapalit

Naghahanap ang Gutierrez family ng bagong direktor ng kanilang reality show dahil good for one season lang si Michael Carandang.

Ang mahusay na TV director na si Rico Gutierrez ang unanimous choice ng entertainment writers na tinanong ni Annabelle.

Malalaman natin ang final choice ng pamilya dahil magkakaroon sila ng official announcement tungkol sa bagong direktor ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Rochelle ‘hot na hot’ naman talaga!

Walang reason para maapektuhan si Rochelle Pangi­linan ng mga batikos sa kanyang sexy pictorial para sa July 2014 issue ng FHM.

Mas marami ang pumupuri sa sexy photos ni Rochelle na ten years ago pa mula nang maging cover girl ng FHM.

Hindi pa solo pictorial ‘yon dahil kasama ni Rochelle ang dating mga miyembro ng Sexbomb Dan­cers.

Proud na proud si Rochelle sa kanyang FHM pictorial na katuparan ng dream niya.

Suportado si Rochelle ng kanyang boyfriend na si Arthur Solinap na proud na proud sa kaseksihan ng girlfriend niya.

Kasama si Rochelle sa mga sexy star na rarampa sa FHM victory party sa World Trade Center sa July 9. Expected ang pagdalo ni Marian Rivera na itinanghal na Sexiest Woman ng FHM Philippines sa pangatlong pagkakataon.

Cyber-bully kasi!: Mo nabaliktad ang sitwasyon nang magtaray sa anak ni Sen. Jinggoy

Nakakita ng katapat si DJ Mo na tinaray-tarayan sa social media ang mga anak ni Senator Jing­goy Estrada.

Hindi pinalampas ng mga Estrada loyalist ang ginawa ni DJ Mo dahil ito ngayon ang biktima ng bashing ng mga supporter ni Papa Jinggoy.

Kung mataray ang mga tweet ni DJ Mo, triple ang panglalait sa kanya ng mga supporter ng Estrada family. Below-the-belt at libelous ang mga birada kay DJ Mo na imposibleng hindi maapektuhan.

Hindi sana nagulo ang mundo ni DJ Mo kung hindi siya nagdeklara na gusto niya na i-cyber bully ang anak ni Papa Jinggoy. Baliktad ang nangyari dahil siya na ngayon ang numero unong biktima ng cyber-bullying.

vuukle comment

ARTHUR SOLINAP

DAHIL

DIREK MICHAEL

DIREK RICO

GUTIERREZ

HANGGANG SEASON

IT TAKES GUTZ

PAPA JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with