^

Pang Movies

Alex nakikitaan ng galing sa drama

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Trailer pa lang ng Pure Love ni Alex Gonzaga sa ABS-CBN makikitang may ibubuga ito pagdating sa aktingan kahit medyo drama ang tema nito. 

Sabagay ang kanyang pagiging natural sa pagpapatawa ay malakas na ang hatak sa viewers na patok na patok nung nasa loob siya ng PBB house.

Masuwerte si Alex dahil binigyan siya ng chance ng Kapamilya Network na umarte ng seryoso.

Kung nagawang mag-shine ni Alex sa hosting tiyak na mahahasa na rin siya sa pag-arte na sinasabi pa nga nilang mas magaling siya kay Toni Gonzaga. Tinutulan naman ni Alex ito at sinabing ang ate niya ang nagtuturo sa kanya para madaling matuto sa lahat nang ginagawa.

Jane santambak ang tagapag-tanggol

Malaki ang advantage ni Jane Oineza dahil pinagtatanggol siya ng fans niya sa mga bumabatikos sa kanya.

Laging nakahanda ang team Janesterz para ipaliwanag sa bawat isyu ng kanilang idol.

Mas nagiging makulay ang buhay ng PBB housemates dahil kay Jane na kahit  lait-laitin siya lalo na sa pagiging masyadong malapit nila ni Joshua ay nagdadagdag ng interes para panoorin ang reality show ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

ALEX

JANE OINEZA

JANESTERZ

KAPAMILYA NETWORK

LAGING

MALAKI

MASUWERTE

SABAGAY

SIYA

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with