^

Pang Movies

‘Mahal ko siya’ Sarah walang kagatul-gatol na inamin ang relasyon nila ni Matteo

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa wakas ay inamin na rin ni Sarah Ge­ronimo na boyfriend na nga niya si Matteo Guidicelli. Naganap ang pag-amin ni Pop Star Princess sa mga entertainment press na dumalo sa victory party ng Maybe This This Time.

Tinanong siya kung “mahal” ba ang tawagan nila ni Matteo at say niya, “yes, yes”.

Next question ay kung boyfriend na ba niya si Matteo at mabilis ulit na sagot ni Sarah, “yes, yes” and added, “hindi naman maganda na magtatawagan kaming “mahal” kung wala kaming relasyon.”

Sa aming pagkakatanda, this is the very first time na inamin ni Sarah in public na may boyfriend siya. Bagama’t open book na naging boyfriend niya rin sina Rayver Cruz and Gerald Anderson, hindi niya ito inamin na tulad sa pag-amin niya ngayon kay Matteo.

Pero matagal bago natanggap Gabby Eigenmann inaming may bading na kapatid

Nakaka-relate si Gabby Eigenmann sa role niya sa Dading dahil may kaunting simi­larity sa buhay niya, pero hindi sa pagiging bading, huh!

 â€œNakaka-relate in a sense na siyempre, my wife, when I met her, she has 2 kids already. I was a ba­chelor, then she came into my life, and had our own babies. Okay lang ‘yan.

 â€œSabi ko nga, “so what?” They’re mine now, eh,” say ni Gab.

Sa Dading kasi na magsisimula sa Monday sa afternoon slot ng GMA 7, ay pinakasalan niya ang karakter ni Glaiza de Castro na nabuntis ng boyfriend nito at inari na parang tunay na anak ang bata. Pero ‘yun nga, ba­ding siya rito at kahit hindi naman siya bading in real life, marami naman daw siyang gay friends since lumaki rin naman siya sa showiz industry, at naiintindihan daw niya ang damdamin ng mga bading.

Kaya nga sa trailer ng serye, makikita talaga ang lalim ng acting ni Gabby na para bang ramdam na ramdam niya rin ang pain na pinagdadaanan ng mga bading.

Sa presscon ay natanong si Gab kung may ba­ding ba sa lahi nila at aniya, sa Eigenmann side ay wala raw.

 â€œBut I still have 2 brothers sa Mom’s side ko, eh. And I don’t know if I’m at liberty to say but I have a younger brother, the youngest brother sa mom’s side ko, who is gay,” he revealed.

 â€œHindi naman sa I just found out, pero it took time for me to accept. . .yes, open naman siya about it, ang alam ko, nag-come out na siya.”

Michael Pangilinan malakas ang karisma

Natutuwa naman kami for Michael Pangilinan dahil hindi siya pinababayaan ng kanyang manager na si Jobert Sucaldito. Every now and then ay ipinagpo-produce siya nito ng show tulad na lang ngayong Sabado, June 21, he’s having a show at Klownz Come­dy Bar, Quezon Ave. at 9pm.

In fairness kay Michael, may magic ang boses niya at may karisma ang kanyang personalidad kaya naman lagi ring tinatao ang kanyang mga shows, lalo na ng mga kababaihan.

Sa kanyang concert tonight entitled Kung Sakali na hango sa title ng kanyang single sa self-titled album niya, guests ni Michael sina Richard Poon, Prima Diva Billy, Boobsie Wonderland, Hannah Nolasco and Ka Freddie Aguilar with Butch Miraflor as musical director.

BOOBSIE WONDERLAND

BUT I

GABBY EIGENMANN

MATTEO

MICHAEL PANGILINAN

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with