^

Pang Movies

Be Careful With My Heart may pasasalamat concert sa Araneta

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Pinaghahandaan na ng buong Be Careful With My Heart cast, sa pangu­nguna nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, ang isang engrandeng thanksgiving concert bilang selebrasyon ng ikalawang anibersaryo nito.

Gaganapin ang concert sa Araneta Coliseum sa Hulyo 25 (Biyernes).

“Isa siyang pasasalamat show at mala-family reunion rin para sa amin at sa lahat ng viewers na sinuportahan ang programa at minahal sina Maya (Jodi) at Ser Chief (Richard) mula nang magsimula kami noong July 2012,” pahayag ni Jodi kaugnay ng concert nilang pinamagatang   Heart You 2! The ‘Be Careful With My Heart  Anniversary Thanksgiving na dadaluhan ng cast at ilang surprise guests.

“Katulad ng show namin, walang ibang gusto ang concert namin kundi mapangiti at mapagaan ang loob ng audience. Handa na kaming ibigay ang best namin para maging masaya tayong lahat,” pahayag ni Richard.

vuukle comment

ANNIVERSARY THANKSGIVING

ARANETA COLISEUM

BE CAREFUL WITH MY HEART

BIYERNES

HEART YOU

JODI

JODI STA

RICHARD YAP

SER CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with