^

Pang Movies

Kalat sa dressing room nakatambak lang sosyalerang aktres ubod pala ng dugyot

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi makapaniwala ang staff ng isang TV show sa pagiging salaula ng female starlet na ito.

Noong una nilang nakita ito sa set, kung makaasta ito ay napakasosyal at mukhang metikulosa. Pero sa totoo lang pala ay daig pa nito ang asong kalye na nagkakalkal ng basura dahil sa mga kalat na iniiwan nito sa loob ng dressing room.

Magkakasama sa iisang dressing room ang mga female cast ng naturang TV show. May kanya-kanya silang espasyo. Doon pa lang daw ay makikita mo na ang pagiging burara ng female starlet dahil nagkalat ang mga pinag-inuman nitong mga bote ng tubig, lata ng softdrinks at mga plastic na nanggaling sa mga kinain niyang chips, cookies, at candy.

 Ultimo ang mga disposable na mga pinagkainan niya ay nakakalat sa paligid niya.

Pinagtataka naman ng staff at pati na ng mga kasamahan ni female starlet kung bakit hindi man lang mag-effort ito na itapon ang sarili niyang mga basura sa basurahan na malapit lang sa pintuan ng dressing room nila.

Kung tinatamad siyang tumayo, sana ay may sarili siyang trash bag para roon niya ilagay ang mga basura niya at hindi ito nakapaligid sa kanya.

“Jusko, kay ganda-ganda pa namang babae, baboy sa paligid niya,” sey ng aming source.

“Nagsososyal-sosyalan siya, paingles-Ingles, pero dugyot naman. Imagine, lahat ng mga pinagkainan niya natitiis niyang ikalat lang sa tabi niya. Naiimbiyerna tuloy ang mga kasama niya sa dressing room!”

May image pa naman ang female starlet na nag-aarte-artehan na akala mo ay hindi sanay sa marumi. Pero ang totoo ay type pala niya na ang paligid niya ay basura. Kulang na lang ay lumangoy siya rito.

“Kung dito lang sa dressing room na may kasama siya, makalat na siya, what more kung sa sarili niyang kuwarto sa bahay nila?

“Siguro gabundok na ang mga basura niya. Feeling ko, best friend niya ang mga daga at ipis. Hindi talaga makikita sa panlabas na anyo ang totoong kulay ng isang tao. Nasa ginagawa niya nakikita.

 â€œIn short, dirtiness ang female starlet na ‘yan! Dapat sa kanya sa loob ng trash can siya mag-dressing room para tapon lang siya nang tapon sa paligid niya,” pagtatapos pa ng aming source.

Pinay beauty na talunan sa mga beauty pageants sa ‘Pinas lalaban sa Miss U sa Britain

Isang Pinay na taga-Manaog, Pangasinan ang lalaban sa Miss Universe Great Britain 2014 na magaganap sa Cardiff, Wales sa darating na Sabado.

Ito ay si Zandra Flores, 25 years old at siya ang magri-represent ng city of Manchester. Kung suwertehin pang manalo si Flores, siya ang ipadadala ng UK para sa Miss Universe Pageant 2014.

Isang Fil-British si Flores at graduate ng University of Bradford in England. Natapos niya ang kursong Biomedical Sciences specializing in Cellular Pathology.

Kumukuha rin siya ngayon ng master’s degree sa Manchester Metropolitan University dahil nasa plano niya ang magtuloy sa kursong medicine.

Hindi lang ito ang unang beses na sumali ng beauty pageant si Flores. Dito sa Pilipinas ay nasuyod na niya ang mga national beauty pageants. Sumali siya sa Miss Philippines Earth noong 2012 at noong 2013 ay sumali siya ng Bb. Pilipinas, Mutya ng Pilipinas at Miss World Philippines.

“I went through intensive training for these pageants under the management of Kagandahang Flores team lead by Mr. Rodin Gilbert B. Flores.

 â€œI humbly request for everyone’s support my upcoming endeavor. I promise everyone to focus and do my best to win the crown,” sey pa niya sa kanyang Facebook page.

Her bid for the Miss Universe Great Britain title is sponsored by Century Properties.

Jennifer Lopez tinuruan ng mga anak na mahalin ang sarili

Pinabulaanan ni Jennifer Lopez ang balitang nakikipag-date na siya agad pagkatapos niyang makipaghiwalay sa kanyang boyfriend of two years na si Casper Smart.

Ang Dancing with the Stars dance pro na si Maksim Chmerkovskiy daw ang bagong idini-date ni JLo.

Nagsimula ang tsimis na ito nang maka-partner ni Jennifer si Maksim sa isang production number sa American Music Award. Tapos ay nagkita ulit sila dahil common friend nila ang aktres na si Leah Remini.

Pero mabilis nag-deny si Jennifer sa balitang ito via Twitter.

 â€œNo I’m not. #rumors #nottrue #AKAinstoresJune17 :)” tweet pa ni Jennifer.

Sa isang interview naman with Gerrick Kennedi of The Times, nagkuwento si Jennifer sa naging epekto ng divorce niya kay Marc Anthony in 2011.

 â€œThese last four years, I felt like I really had to look at myself. One of the things I realized was I had to love myself a little bit more.

“That was a huge lesson for me. My kids taught me that. They teach you a sort of unconditional kind of love and what it should feel like. It’s very selfless and pure.

 â€œThe breakup just made me go make some real realizations about myself. When you get to the point of loving yourself ... you start going, ‘OK, well, who am I?’ Myself happens to be many things. Do I love all those parts? The good parts, the messy parts. And when I said that, so many things happened.”

 

vuukle comment

JENNIFER

JENNIFER LOPEZ

LANG

MISS UNIVERSE GREAT BRITAIN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with