^

Pang Movies

BF sugarol Female starlet nagtatago dahil sa patung-patong na utang

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naadik pala sa casino ang non-showbiz boyfriend ng isang female starlet kaya baon na baon na sila sa utang ngayon.

Kaawa-awa nga ang female starlet dahil ito na nga lang daw ang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya, pero ang kanyang kinakasamang boyfriend ay patuloy ang pagsusugal.

Sa isang casino raw ay kinailangan nitong iwan ang kanyang mamahaling relo at sasakyan dahil lumaki na ang utang nito sa nagpapautang sa casino.

Pero hindi pa nga raw sapat iyon dahil sobra-sobra pa ang utang nito.

Nalaman ng female starlet na hindi lang sa isang casino may utang ang kayang boyfriend kundi sa iba pa.

Umabot pa sa punto na naputulan sila ng kur­yente dahil wala silang maipambayad. Nangutang na lang ang female starlet sa kanyang kaibigan para lang makabitan sila ulit ng kuryente.

Noon pa man ay sinabihan na ang female starlet na hindi makatutulong sa kanya ang non-showbiz boyfriend niya.

Winarningan na siya ng dating karelasyon ng kanyang boyfriend na dumaan din sa pagdurusa dahil sa pakikisama niya sa lalaking ito na pabigat lang sa buhay.

Pero dedma ang female starlet at itinuloy pa rin niya ang gusto niya. Kaya heto na ang resulta ng katigasan ng ulo niya.

Hinahabol na nga raw sila ngayon ng mga pinagkakautang nila. Walang choice ang female starlet kundi ang magtago dahil wala silang maibabayad dahil sa pesteng bisyo ng kanyang boyfriend.

Rocco napatunayang nangungusap ang mata ni Nora Aunor

Hindi inakala ni Rocco Nacino na agad niyang makakatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.

Kung dati-rati raw ay napapanood lang niya si Ate Guy sa mga lumang pelikula nito, ngayon ay kasama na niya ito sa indie film na Hustisya na isa sa official entries para sa sa Cinemalaya Independent Film Festival sa July.

Gaganap ngang abogado ni Ate Guy si Rocco at halos lahat ng kanyang eksena ay kasama ang Superstar.

Napatunayan ni Rocco na tama ang sinasabi ng marami tungkol sa mga nangungusap na mata ni Ate Guy. â€œBefore nababasa ko lang, ngayon tama pala ang mga sinasabi nila na ang lakas ng aura niya.  Nangungusap ang mga mata ni Ms. Nora Aunor. Ang suwerte ko naman na nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama siya.

“Nakakatuwa, kasi anak ang tawag niya sa akin. Very helpful din siya sa mga eksena namin.

“It’s a great experience working on Hustisya dahil kay Ms. Nora Aunor at kay Direk Joel Lamangan,” pagtatapos pa ni Rocco Nacino.

Mga kapitbahay ni Chris Brown nagdiwang sa kanyang paglayas

Ibinebenta na ng R&B rapper na si Chris Brown ang kanyang bahay sa Hollywood Hills sa halagang $1.79 million.

 Naibenta naman na niya ang kanyang penthouse condo sa West Hollywood na nasa market for two years. Nabenta niya ito for $1.6 million.

Nag-decide si Brown na ibenta na ang kanyang bahay dahil hindi nga siya welcome doon ng kanyang mga kapitbahay pagkatapos niyang lagyan ng coloured graffiti creatures ang kanyang pader.

 Nabili ito ng rapper noong 2011 for $1.5 million.

Kailangan na rin mag-unload si Brown ng kanyang mga possessions dahil na rin sa ilang mga kaso niya.

 Wala na ngang magagalit kay Brown sa kanyang iiwang neighbourhood dahil ilang beses na siyang isinumbong ng kanyang mga kapitbahay dahil sa kanyang pagpapa-party na ubod ng ingay.

vuukle comment

ATE GUY

CHRIS BROWN

DAHIL

KANYANG

MS. NORA AUNOR

NIYA

NORA AUNOR

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with