^

Pang Movies

Lea nakalikom ng malaki para sa mga na-Yolanda!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakatuwang isipin na may isang grupo ng international artists na nag-isip pang magkaroon ng concert sa Kennedy Center of the Performing Arts sa Washington DC, noong Linggo, June 15, para sa mga biktima ng bagyong Yolanda rito sa ating bansa. Bale naganap iyan, Lunes na rito sa atin dahil nauuna ang ating oras at petsa sa kanila.

Ang concert ay pinangunahan ni Lea Salonga. Kasama niya ang aktor na si Lou Diamond Phillips, ang tenor na si Rodell Rosel, ang ballerina na si Christine Rocas, at si Apl. De Ap. Ang kanilang concert ay may title na After the Storm.

Hindi mo inaasahan ang isang napakalaking crowd para sa ganyang klase ng concert kahit na sa U.S., pero nakalikom daw naman sila ng maganda ring pondo para maitulong sa mga biktima ng bagyo.

Nakakatuwa ang effort ng pribadong sektor, maging ang international artists para makatulong sa mga biktima ng bagyo dito sa ating bansa. Marami sa mga biktima ng bagyo ay ni hindi pa nakatatanggap ng tulong, at lumalabas ngang hanggang ngayon ay nananatili sa mga evacuation centers dahil wala na silang mapuntahan. Nakalulunos ang inabot ng mga biktima na hindi man lang nabigyan ng disenteng libing, at sinasabi nga ng Red Cross na hindi tamang ilibing sila agad nang hindi muna nakikilala. Maraming hindi identified na basta ibinaon na lang sa mass graves.

Nakalulungkot isipin na habang marami tayong mga kababayan na nasa ganoong kalagayan, walang maibigay na tulong ang gobyerno at sa halip ang naririnig natin ay ang patuloy na nakawan sa ating pamahalaan.

Ngayon, mga artista na naman iyan na nag-perform sa U.S. para matulungan ang mga biktimang hindi nila natulungan. Pero parang minamaliit pa kung minsan ang mga artista na sinasabing “magaling lang magbasa ng script, magaling kumanta at magaling sumayaw”. 

Dito sa atin, aywan kung bakit parang mababa ang tingin nila sa mga artista, pero tingnan ninyo, sino ba ang unang kumikilos? Sino ba ang nasa mga telethon pagkatapos ng bagyo para manawagan ng donasyon habang natutulog pa at nag-iisip ng alibi ang mga nasa gobyerno, hindi ba ang mga artista?

PICTURE! Picture! Nakakahinayang

Nakakahinayang, kung kailan pa napansin sa isang lehitimong international award ang game show na Picture! Picture! ng GMA 7 at saka pa nila naisip na palitan. May mga ganyang shows na siguro nga kung hindi man maganda ang audience share, maganda naman ang concept na dapat sana ay napananatili on air. Pero siyempre desisyon iyon ng network kahit na nga ang show ay kinilala sa US International Film and Video Festival.

Sa nasabi ring festival, nakatanggap ng walong parangal ang mga news at documentary shows ng GMA 7. Nakakuha rin ng dalawang award ang dalawang docu na inilabas naman ng ABS-CBN.

Iyan ay katunayan lamang na ang ating mga TV show ay world class na talaga. 

Social media pahamak sa mga lihim

Mukhang hindi talaga “fairy tale-like” ang istorya ng isang new couple. Parang may nabubuo nang intriga sa kanilang pamilya. Mabilis na na-delete ang post na iyon sa social networking account ng nanay noong isa, pero mas mabilis ang iba na nakakita ng post na iyon bago pa mai-delete.

Ang hirap na ngayong magtago ng mga ganyang bagay, kasi nga sila rin naman mismo ang naglalabas niyan sa kanilang social networking account. Hindi nila alam, nababasa iyon ng marami.

AFTER THE STORM

CHRISTINE ROCAS

DE AP

INTERNATIONAL FILM AND VIDEO FESTIVAL

KENNEDY CENTER OF THE PERFORMING ARTS

LEA SALONGA

LOU DIAMOND PHILLIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with