^

Pang Movies

Mga anak ni Herbert nagdiwang noong Father’s Day

Vir Gonzalez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi kami certified na manghuhula pero tumama kami sa hulang muling babalik si Mayor Herbert kay Tates Gana, ina ng kanyang mga anak sina Athena at Harvey. Hindi ito dapat pagtakahan dahil talagang higit na matimbang ang mga anak kaysa iba pang bagay.

Masaya si Athena na napasama sa movie directed by Joel Lamangan, ang pelikulang Kamkam. Napasabak agad daw siya sa drama.

Masaya rin sila nag-celebrate ng Father’s Day dahil buo na uli ang kanilang pamilya!

Coco naghari na!

Nakakalunod naman ang pulos papuri na ibinabato kay Coco Martin. Magaling si Coco, mabait, poging aktor, at marami pang pralala. Weder-weder lang talaga, dati pulos Diether Ocampo, Piolo Pascual, at John Loyd Cruz ang umiikot sa kuwentuhan. Panahon ngayon ni Coco, dapat lang niya itong samantalahin.

Kasalang Vic-Pauleen 2napag-iiwananan

Mabuti pa sina Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo, nakasal na, ninang sina Susan Roces, Manay Marichu Vera Perez, at ninong si Mayor Erap Estrada. Sina Jopay Paguia ng Sexbomb at Joshua Zamora ay ikinasal na rin. Kailan naman kaya haharap sa altar sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna?

Malapit na naman ang Metro Manila Film Festival, baka muling magamit sa anunsyo uli ito kung hindi matutuloy ngayong taon. Baka maunahan pa kayo nina Architect Conrad Onglao at Zsa Zsa Padilla.

Jackie umaasang kikita ang pagbuyangyang niya sa pelikula

 Nanalo ng award si Allen Dizon noong idirek ni Joel Lamangan. Ngayon kayang muli siyang ididirek sa Kamkam, another award kaya is waiting for Allen? Pero nakatitiyak kami, takilya ang tatargetin nila para sa pelikulang ito. Kailangang kasing kumita muna para makapag-produce uli. Kung award kasi, pulos papuri at pictorial lang ang magaganap. Gusto ni Jackie Rice magklik ang movie, first time niyang nag-bold at umeksena sa kama with Allen Dizon, napagod na marahil sa mga kabaklaang papel niya sa Bubble Gang.

JLo hindi dapat iyakan ang bakla

May nagkomento, hindi dapat iyakan ni Jennifer Lopez (JLo) ang pagpatol ng boyfriend niyang si Casper Smart sa isang retokadang bakla dahil may pagka-girl din daw ito. Maganda nga na habang maaga, natuklasan niyang bading pala si Casper. Mahirap na karelasyon ang bading, parang krus ang mangyayari, kung magtagal sila. Kung bakit naman kasi sa pogi ni Ben Affleck, nakipag break siya dun. Ayun, bakla pala ang naipalit niya.

Glydel ‘kinatakutan’

Marami na ang natatakot magparetoke buhat noong mapanood si Glydel Mercado sa Magpakailanman, sandaling ganda lang daw pala ito at kumupas na ang gamot, maluluma lang ang mukha mo. Kung bakit naman kasi pinakikialaman pa ang bigay ni Lord. Imagine, katatakutan ka ng mga makakikita? 

 

vuukle comment

ALLEN DIZON

ARCHITECT CONRAD ONGLAO

BEN AFFLECK

BOOTS ANSON-ROA

BOSSING VIC SOTTO

BUBBLE GANG

CASPER SMART

JOEL LAMANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with