^

Pang Movies

Kaya patuloy na binibiyayaan ng kaligayahan Boots malakas ang kapit sa Diyos

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Parang marriage renewal, o wedding anniversary celebration. Ganyan ang naging description ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle nang ikasal niya ang aktres na si Boots Anson sa asaw­ang si King Rodrigo. Bale kasi 68 na pala si Boots, at 75 naman ang kanyang naging asawa. Pero iyan ay isang pagpapatunay ng kanilang matibay na Chris­tian values. Nagkagustuhan sila, at nagpakasal sa simbahan upang pagtibayin ang kanilang pagmamahalan.

Biyudo at biyuda na sila nang magkakilalang muli at ma-in love. Kung iisipin mo, nakakatuwa dahil nagkaroon sila ng engagement, pinag-usapan nang maayos ang lahat ng kanilang dapat gawin. Kinausap din nila ang kanilang mga anak. Hanggang sa umabot nga sa kasalang iyon na ginanap sa Archbishop’s Palace sa Mandaluyong.

Kung iisipin mo, magkaiba ang kanilang political background. Si Boots ay naging diplomat noong panahon ni Presidente Ferdinand Marcos, na kalaban naman ng tatay ni King na si Senator Soc Rodrigo. Si Boots ay talagang nakalinya sa arts, in fact hanggang ngayon ay umaarte pa rin siya. Itinuturing siyang isa sa pinaka-mahuhusay na aktres na Pilipino. Si King naman ay kinikilalang isang mahusay na abogado. Magkaiba talaga iyong mundo nila eh, pero nagkatagpo pa rin sila.

Natatandaan namin, ang huling pagkukuwentuhan namin nang mahaba ni Boots ay noong buhay pa ang kanyang dating asawang si Pete Roa. May sakit na noon si Pete, at kasama niya noon sa St. Padre Pio Chapel diyan sa Libis, kung saan din kami madalas na nagpupunta. Matagal ang kuwentuhan namin noon tungkol sa sitwasyon ni Pete at sa mga nagagawang himala ni St. Padre Pio. Pero alam naman natin na kung minsan at hanggang doon na lang talaga ang buhay, yumao rin si Pete. Pero si Boots ay nanatiling isang deboto ni St. Padre Pio.

Nakatutuwa naman at nakatagpo siya ng panibagong kaligayahan.

Lance marunong lumingon sa pinanggalingan

Iyong mga taong marunong tumanaw ng utang na loob, iyan ang nagtatagal sa show business. Nakita namin ang statement ng modelo at aktor na si Lance Serrano matapos na pumirma ng kontrata sa GMA 7. Sa kabila nang marami na niyang naabot, sinasabi niyang iyong pagkakasali niya sa isang segment ng Eat Bulaga ang nakatulong nang malaki sa kanya para siya makilala.

Kung tutuusin, bago pa man nakasama si Lance doon sa segment na iyon ng Eat Bulaga, marami na siyang nagawa bilang isang modelo. Naging centerfold pa siya ng isang kilalang classy magazine. Nakikita na rin siya sa rampa, kasabayan ng mga pinaka-sikat na mga modelo ng ating bansa. Pero iyong sanda­ling break na iyon sa Eat Bulaga ay binig­yan niya ng pagpapahalaga.

Iyong mga ganyang tao ang dapat pa­marisan. Iyong mga ganyang tao ang dapat na suportahan. Hin­di kagaya nang iba na oras na malipat sa iba at mabigyan nang ka­unting chance eh sasabihin nang walang kuwenta ang kanilang pinanggalingan.

Aktres bigo na naman kaya naglalasing

Naglalasing na naman ba ang lola ninyo out of desperation? May nagkuwento sa amin na talaga raw disappointed na naman si lola, kasi naman nag­pa­­paniwala siya sa tsismis lang eh. Kadalasan naman iyong mga tsismis na iyon ay galing lang sa pa­na­ginip kaya hindi nagkakatotoo.

Iyang panaginip, hindi pinaniniwalaan iyan. Noong araw kinukunan lang iyan ng anunsiyo ng mga tumataya sa jueteng, pero hindi tama kailanman na magkaroon ng ilusyon dahil lang sa panaginip.

EAT BULAGA

IYONG

NAMAN

NANG

PERO

SHY

SI BOOTS

ST. PADRE PIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with