^

Pang Movies

Alma Moreno may sakit, hindi nakakatanggap ng trabaho

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Thankful ang GMA Primetime Queen na si Ma­rian Rivera sa malaking suporta ng Kapuso network sa kanyang weekly dance show na Marian.

Hindi nagtipid sa production ang kanyang show at ang best people ang binigay sa kanya para mabuo ang isang masaya at kaabang-abang na dance show.

“Sobra-sobra ang ibinigay nila sa akin. Mula sa set namin, sa music namin na meron pa kaming bonggang DJ, sa costumes, stylist, choreographer naming si Tita Geleen Eugenio, at ang director namin na si Direk Louie Ignacio.

“Ano pa ba ang mahihiling mo? Lahat ng magagaling ay naibigay na nila kaya sobra ang aking pasasalamat,” ngiti pa ni Marian.

Sasamahan si Marian ni Paolo Ballesteros bilang co-host niya at si Julie Anne San Jose na may special segment sa kanyang show.

Isang rason kung bakit binuo ang dance show na Marian ay ang bigyang tribute ang mga nakilalang mahuhusay sumayaw na mga aktres tulad na lang nila Vilma Santos at Maricel Soriano na nakapag-tape na para sa show.

Nalungkot si Marian nang malaman niyang hindi matutuloy si Alma Moreno dahil sa may karamdaman ito ngayon.

 â€œGusto ko talagang makasama si Ms. Alma Moreno dahil isa siya sa mahuhusay na sumayaw noong araw. Pero nagpasabi siya na hindi niya matanggap ang imbitasyon namin dahil may karamdaman siya.

“Kami naman ay pinagdarasal namin ang mabilis na paggaling ni Ms. Alma.”

One season lang daw ang pinirmahan ni Marian na kontrata para sa show. Kung mag-hit ang show, hindi raw mag-aatubiling pipirma ulit siya for another season.

Joseph umariba ang karir nang maging Kapamilya

Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ng Kapamilya hunk na si Joseph Marco. Mula sa pagiging support lang sa mga teleserye, ngayon ay magbibida na siya sa bagong Koreanovela adaptation na Pure Love.

Nakapagsimula na raw sila ng taping pero natigil daw ito dahil kinailangan pumasok ni Alex Gonzaga sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother All in.

Apat na taon na ang nakalipas simula noong lumipat si Joseph Marco sa ABS-CBN 2 mula sa GMA 7. Nagtuluy-tuloy nga ang suwerte niya hanggang sa mabigyan na siya ng pagkakataon na magbida.

“Matagal ko ring hinintay ito. I’ve been patient naman and waited for the big break to come. Noong sabihin nga nila na magbibida na tayo sa Pure Love, I was so happy. Lahat nang pinaghirapan nating pagtrabahuan ay unti-unti nang nabibigyan ng pansin,” ngiti pa ni Joseph nang makausap namin siya sa event ng HBC National Makeover Day 2014 sa Trinoma Activity Center.

Bukod sa TV ay pinaghahandaan na rin ni Joseph ang pagrampa muli sa Bench fashion show ngayong taon. Isa nga siya sa rarampa na naka-underwear lamang kaya this early ay pinaghahandaan na niya ang katawan niya.

Hindi pa rin matanggap na ipinagpalit sa bakla, J.Lo muntik magback-out sa FIFA

Si Jennifer Lopez nga ang napili para mag-perform sa opening ceremony ng FIFA World Cup 2014 sa Brazil noong nakaraang June 12.

Pinasaya ni J.Lo ang audience kasama si Pitbull at Claudie Leitte sa pag-awit nila ng official FIFA song na We Are One (Ole Ola).

Hindi nagpaawat ang 44-year old Latina performer sa kanyang suot na emerald green leotard na may rhinestones at tassels.

Mabentang-mabenta pa rin ang alindog ni J.Lo kahit na alam ng marami na kahihiwalay lang nito sa kanyang 27-year old boyfriend na si Casper Smart.

Tatlong taon ding nagsama ang dalawa pero naghiwalay sila dahil sa pagkaka-link ni Casper sa isang transsexual.

Muntik nang hindi matuloy si J.Lo sa pag-perform sa FIFA dahil a day before the ceremony ay magpu-pull out daw ito sa show for unspecified production issues.

May nagsabi na baka emosyonal pa rin si J.Lo sa nangyari sa kanila ni Casper kaya ayaw muna nitong magtrabaho.

Pero naayos naman daw ang lahat at nagawang pasayahin ni J.Lo ang mga nagpunta sa opening ceremony ng FIFA.

“Jennifer has always wanted to participate in the World Cup opening ceremonies. We have been trying to work out scheduling and logistics... Jennifer would not want to disappoint her fans or fans of football,” sey pa ng rep ng FIFA.

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALMA MORENO

CASPER SMART

CLAUDIE LEITTE

JOSEPH MARCO

PURE LOVE

SHOW

SIYA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with