Pirma ni ER wala nang silbi
Nakalulungkot naman ang balita na hindi na vaÂlid ang pirma ni Governor ER Ejercito sa mga dokumento na may kinalaman sa lalawigan ng Laguna dahil pinababa na siya ng COMELEC sa puwesto.
Si Vice-Governor Ramil Hernandez na ang bagong gobernador ng Laguna at siya ang nagsabi na kahit manatili sa provincial capitol building si Papa ER, hindi na valid ang signature nito sa mga transaksyon.
Kahit tinanggap ni Papa ER ang writ of exeÂcution, na personal na dinala ng mga representative ng DILG noong Miyerkules, nagsalita siya na hindi niya iiwanan ang kanyang puwesto. Walang nakaaalam kung hanggang kailan mananatili sa old capitol building si Papa ER at ang mga kaalyado niya. Ipagdasal na lang natin na maiwasan ang kaguluhan sa Laguna dahil sa power struggle sa pagitan nina Papa ER at Hernandez.
Pelikula nina Coco at Sarah inaasahang lalong pipilahan
Congrats kina Sarah Geronimo at Coco Martin dahil pinipilahan sa takilÂya ang kanilang pelikula, ang Maybe This Time.
Inaasahan na lalong pipilahan ang Maybe This Time sa darating na weekend dahil may datung ang mga tao bilang ngayon ang araw ng suweldo.
Hindi problema sa akin ang panonood ng sine, payday man on hindi, dahil nagagamit ko ang aking MTRCB Deputy Card na courtesy of MTRCB Chair Toto VillaÂreal.
Alam ko ang mga tungkulin ko bilang deputy card holder ng MTRCB. Bago pumasok sa loob ng sinehan, kailangan na tingnan ko kung nakalagay ang proper classification sa pelikula.
Walang problema sa Maybe This Time dahil Rated PG13 ito as in puwedeng panoorin ng mga bagets, basta may mga kasama sila na matatanda na magpapaliwanag sa kanila tungkol sa mga eksena na napapanood nila.
Sa pagbabalik-Sabado ng Startalk, Martin may aaminin sa kabaklaan
Gusto kong i-remind sa lahat na balik-Sabado na ang Startalk, simula bukas. Asahan ninyo na mga hottest at controversial issue ang ihahatid namin sa inyo.
Pero huwag na kayong mag-expect na may kuwento kami tungkol sa pagpapabinyag ni Mark Herras sa kanyang anak na si Ada.
Nakiusap si Mark na huwag nang kunan ang binyag ng bagets na iginalang naman ng Startalk staff. Gusto ni Mark at ng ina ng bagets na maging pribado ang okasyon. Anak naman nila ‘yon kaya sino ang Startalk staff para magpilit na kunan ang binyagan na nangyari noong Miyerkules?
Bukas ipalalabas sa Startalk ang interbyu kay Martin del Rosario tungkol sa kissing photo na ibiÂnibintang sa kanya. Idinenay ni Martin na siya ang mhin na nakikipaghalikan sa kapwa lalaki sa litrato na kumalat sa social media.
Hindi na tinatantanan si Martin ng mga gay issue at controversy pero imbes na mapikon o maimbyerna, dinaÂdaÂan niya sa diplomasya ang lahat, isang pruweba na isa siyang mabait na bata.
Anak ni Boyet at Sandy matutupad na ang pangarap na maging artista
Contract star na ng GMA Artists Center si Gab de Leon, ang aspiring actor na anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.
Matagal nang gusto ni Gab na pumasok sa showbiz pero tinapos muna niya ang pag-aaral.
At dahil graduate na siya, puwede nang mag-concentrate si Gab sa kanyang showbiz career. Hindi stranger sa showbiz si Gab dahil mga sikat na artista ang kanyang mga magulang. Marami nang kilala na reporter si Gab dahil isinasama siya sa mga showbiz gathering na pinupuntahan nina Boyet at Sandy.
- Latest