^

Pang Movies

Bela parang spokesperson ni Kylie

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Si Bela Padilla na nga ang parang naging spokeswoman ng kanyang pinsang si Kylie Padilla.

Marami ang nagtanong kay Bela kung totoong hiwalay na nga ang kanyang pinsan sa boyfriend nitong si Aljur Abrenica pagkatapos nitong ma-link kay Louise delos Reyes.

Ayon kay Bela ay pakiramdam niya na wala na ngang relasyon ang dalawa.

Hindi raw masyadong makuwento si Kylie pero bilang pinsan nga siya ay mabilis malaman ni Bela kung ano ang nararamdaman ngayon ni Kylie.

Dagdag pa ni Bela na kung siya ang nasa katayuan ni Kylie, hindi na rin daw niya itutuloy ang pakikipagrelasyon kung magulo rin lang ang lahat.

Eh makakasama pa naman ni Bela si Aljur sa bagong sisimulan na teleserye na .

Paano kung mag-try si Aljur na mag-explain sa kanya?

 â€œHe doesn’t have to explain anything to me. Kay Kylie siya mag-explain, ‘di ba? Problema nila iyon kaya sila na ang kailangan mag-usap.”

Anyway, sunud-sunod ang mga projects ni Bela ngayon. Bukod sa Cain At Abel, may ginagawa rin siyang mini-series for GMA News TV na Sa Puso Ni Dok with Dennis Trillo.

Sherilyn hindi happy sa pag-aartista ng panganay

Ayaw matawag na stage mother si Sherilyn Reyes dahil artista na ang anak niyang si Ryle Santiago at lumalabas nga ito sa afternoon teleserye ng ABS-CBN 2 na Mirabella.

Noong una ay parang ayaw pang puma­yag ni Sherilyn na mag-artista ang kanyang panganay. Pero noong tanungin niya ito, ay nagpakita naman ng interes ang kanyang anak.

 â€œWala naman akong magawa kasi gusto rin niya. Curious din kasi siya.  Tsaka nasa dugo nga niya ang pagiging artista kaya pinayagan ko na rin.

 â€œBilin ko lang sa anak ko na huwag siyang maging pasaway sa trabaho at lagi siyang makikinig sa mga nakakatanda sa kanya,” sey pa ni Sherilyn.

Worry lang ni Sherilyn na baka maapektuhan ng pag-aartista   ang pag-aaral nito. Third year high school na ito at sayang naman daw kung mag-home study ang anak.

 â€œNoong mag-start nga siya sa taping, marami siyang naging absent sa school kasi nagkasunud-sunod ang mga taping nila at   madaling-araw na silang natatapos.

“Ang maganda naman sa school niya, pinagbibig­yan nila ‘yung students na nakaka-miss ng lectures. May  students na tutulong sa kanila kaya hindi rin nahuhuli ang anak ko.

“Mag-uusap pa naman kami at sana maging maayos ang lahat,” sey pa ni Sherilyn.

After daw ng The Borrowed Wife ay pinagpapahinga muna si Sherilyn ng kanyang mister na si Chris Tan para mas marami itong time sa kanilang mga anak.

Lindsay pinaniwalaan ng korte, idinemandang clothing company nakipag-ayos

Mukhang sinusuwerte na ulit ang kontrobersyal na Hollywood actress na si Lindsay Lohan.

Kelan lang ay nanalo siya sa kaso laban sa isang clothing company at nakipag-settle ito sa kanya sa halagang $150,000.

Nakipag-settle sa aktres ang DNAM Apparel Industries pagkatapos nitong hindi bayaran ang pag-license sa clothing label ni Lohan na 6126.

Nagsampa ng demanda si Lindsay sa DNAM last year for $1.1 million. Pero nagkontra demanda naman ang DNAM sa aktres at sinabing dahil sa pagkakasangkot nito sa ilang mga kontrobersya kaya hindi nila mailabas ang merchandise ng 6126.

Dinagdag pa nila ang hindi pag-respond ni Lindsay sa kanilang lawsuit dahil ang naging dahilan daw nito ay ang kanyang pagkakaroon ng miscarriage.

Pero sa bandang huli ay nagwagi si Lohan sa kanyang isinampa laban sa DNAM at nakipag-settle na lang ito.

Kinatuwa ito ng aktres dahil hindi na niya kailangan pang ikuwento ang kanyang miscarriage kung sakaling nagkaroon ng trial para sa kaso nila ng clothing company.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

KANYANG

LINDSAY

MAG

PERO

SHERILYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with