^

Pang Movies

Isa sa pinakamagaling na direktor, 23 taon nang namayapa

Roland Lerum - Pang-masa

Ngayong Mayo ginugunita ang pagkamatay ng isa sa mga pinakamagaling na direktor

Ginugunita ng industriya ng pelikula ang ika-23 anibersaryo ng kamatayan ng isa sa pinakamagaling na direktor ng bansa, si Lino Brocka. Namatay sa car accident si Lino noong Mayo 21, 1991. Kasama niya sa sasakyan si William Lorenzo na pinaniniwalaang pinakamalapit na aktor sa kanyang puso.

Si Lino ang nagderehe ng unang pelikula ni Christopher de Leon, Tinimbang Ka Ngunit Kulang, noong 1974. Maging ang unang pelikula ni Bembol Roco, Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, ay kanya ring idinirehe noong 1975.

Pero si Phillip Salvador ang pinakapaborito ni Brocka sa mga aktor. Si Phillip ang may pinakamaraming pelikula na idinerehe niya gaya ng Kain at Abel, Bona, Ora Pro Nobis, at iba pa.  Sa interbyu kay Phillip tungkol kay Brocka, sabi ng aktor:  “Lino Brocka is the best.  Actor’s director nga ‘yan, e.  I am really blessed dahil naging protege niya ako.”

Kumanta habang namamalimos, Lani sinubukan kung gaano kahirap ANG maging bulag

Nagkaroon ng libreng concert ang mga taga-Lawton kamakailan nang magpanggap na bulag si Lani Misalucha at nagkakanta ng ilang paborito at kilalang awiting OPM.  May kaibigan kasing bulag na mag-asawa si Lani. Sumama siya sa Lawton sa mag-asawa para kumanta at mamalimos, nag-astang bulag din si Lani.  Nag-sunglasses siya at nagbihis ng simpleng damit.

 â€œAng hirap pala talagang maging bulag. Kahit na ipinikit ko pa ang mga mata ko. Hindi ko pa rin ma-feel kung ano talaga ang pinagdaraanan ng mga bulag.”

Sabi ni Lani, nagulat siya nang imulat ang mga mata niya at ang dami na palang nakapaligid na nanunuod sa kanila.  May nagpa-selfie pa.  Pero naantig siya nang makita ang bulag na kasamang lalaki na umiiyak nang kantahin niya ang Starting Over Again.                                       

BEMBOL ROCO

BROCKA

BULAG

LANI

LANI MISALUCHA

LAWTON

LINO BROCKA

NGAYONG MAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with