^

Pang Movies

Rocco kinilabutan Lovi nakaramdam ng himala sa Rome

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Iba ang saya na nakita namin sa face ni Rocco Nacino nang makausap namin ito after the story conference ng second indie film niya na entry sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival, ang Hustisya. Ito ay for the Director’s Showcase category na idinidirek ni Joel Lamangan at first time niyang makakasama ang Superstar na si Nora Aunor. Biro namin kay Rocco, halatang in love siya at tinanong namin kung ano na ang level ng relasyon nila ni Lovi Poe after ng fifteen days nilang European vacation.

Just friends pa rin ba sila, tulad nang lagi niyang sinasagot?

“We’re more than friends,” nakangi­ting sagot ni Rocco.

Pero kahit sinabi ni Rocco na hindi siya masyadong comfortable pag-usapan ang kanilang relasyon, hindi naman siya tumangging magkuwento tungkol sa travel nila. Pumunta sila sa Paris, Amalfi Coast (south of Italy), Rome, na sila lamang ang magkasama at sa London na lamang sila nagkita-kita ng mommy at sister ni Lovi.

“But the most memorable sa amin, sa Vatican City sa Rome, naka-attend kami ng Holy Mass ni Pope Francis, dahil Good Friday kami nandoon,” balita niya.

Perfect timing, to bond with God, iba ang feeling. May nagparamdam kay Lovi nang mag-pray siya sa Sistine Chapel. Isa-isa lamang ang puwedeng pumasok doon to pray, pero si Lovi, may lumapit daw sa kanyang lalaki at tiningnan siya nang malapitan sa face. Akala raw niya ako iyong pumasok, pero pagtingin niya, wala naman siyang nakita dahil nasa labas lamang ako.  Kinilabutan ako nang ikuwento niya, ‘di namin ma-explain, sino iyong lumapit sa kanya?”

Pero inamin ni Rocco na sa biyahe nila, nakilala nila ang isa’t isa. Kung dati raw ay listener lamang siya ni Lovi, doon siya ang nag-open up at madalas, saan man sila pumunta, hindi sila nakalilimot magdasal. Na-realized nila ni Lovi na maganda ang pagta-travel kaya magtatrabaho muna sila ngayon at next year, magta-travel sila muli.

Sa ngayon, kapag wala silang work, magkasama silang nagsisimba ni Lovi sa Victory Fellowship sa The Fort. 

Nagsimula nang mag-taping si Lovi ng Ang Da­l­a­­wang Mrs. Real at siya naman nagsimula nang mag-shooting ng Hustisya na gaganap bilang Ge­rard, lawyer ni Nora Aunor, mahusay, pero walang puso, parang makina kung makipag-deal sa kanyang kli­yente.  

Inaayos na rin ang next project niya sa GMA 7.

Miguel si Sean Penn ang peg sa NiÑo

Excited si Miguel Tanfelix sa bago niyang drama series, ang Niño, na first time siyang magbibida. Gumaganap siya bilang isang 15-year-old but his mind is for a 7-year-old boy. Naging tagapagtanggol niya si Tukayo, played by David Remo, laban sa mga umaapi sa kanya.  

For his role, pinapanood sa kanya ni direk Maryo J. delos Reyes ang movie ni Sean Penn, na I Am Sam, na ipinakikita ang kilos bata, pag-iisip at matagal bago makapagsalita, tipong nag-istutter muna siya. 

Sa May 26 na mapapanood ang Niño sa primetime block ng GMA 7, pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

AMALFI COAST

LOVI

NORA AUNOR

ROCCO

SEAN PENN

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with