Sa mga paghihirap na dinaranas, Deniece kinaaawaan na
Hindi nawawala sa top stories sa telebisyon, at hanggang ngayon ay trending sa Internet si Deniece Cornejo. Sumuko siya sa PNP at kusang nagpakulong dahil sa inilabas na warrant without bail ng korte laban sa kanya at iba pang idinemanda ng komedyanteng si Vhong Navarro.
Pero hindi kagaya nang ibang mga kasama niyang suspects na nasa detention cell ng NBI, at siguradong nasa mas kumportableng lugar kaysa sa pinagkulungan kay Deniece, pinili niyang magpakulong na lang sa PNP, kasama ang iba pang mga babaeng bilanggo na ang mga kaso naman daw ay puro human trafficking. Mainit ang kulungan na mayÂroon lang electric fan para umikot kahit papaano ang hangin sa loob. Natutulog lang siya sa isang plywood na nasa sahig.
Sanay siyang nakatira sa isang condominium unit, at siguro simula nang ipanganak siya ay hindi naÂman niya naranasan ang matulog sa lapag, pero ngayon iyon ang kanyang dinaranas. Pero hindi mo makikita kay Deniece na nagmamakaawa. Talagang tinanggap niya kung ano man ang kinahiÂnatnan ng mga pangyayari sa buhay niya, at pinaninindigan pa rin niya hanggang sa ngayon na siya ang biktima. Sa totoo lang, nagsisimula nang makuha ni Deniece ang simpatiya ng mga tao.
Alam naman ninyo ang ugaling Pinoy, sa una ang mga iyan akala mo galit na galit sa tao, pero basta nakakakita na ng ganyang sitwasyon, naaawa rin sila lalo pa nga at sa isang babae. Dito kasi sa atin nakagisnan na natin na ang mga babae hindi naman pinahihirapan. Maski nga sa pampublikong sasakÂyan pinauupo pa ang mga babae. Kaya basta nasa ganyang sitwasyon na ang isang babae, nakakatawag na iyan ng simpatiya ano man ang ibinibintang sa kanya.
Iyon ding patuloy na pagpapalabas ng mga video na kuha sa kanya sa loob ng selda kung saan siya nananatili, mas lalong nakakatawag iyan ng simpatiya para sa kanya. Aywan lang namin kung alam iyan ng ibang tao na ang akala ay naipapahiya pero ang totoo ay mas lalo siyang nakakaawa.
Lalo na iyong ipinakikita pa sa coverage na maagang-maagang pagbibiyahe sa kanya patungo sa korte na sakay ng sasakyan ng PNP, at naka-posas pa, iba na ang dating niyan sa mga tao.
Steven pang international channel ang level!
Ang Starstruck survivor lamang na si Steven Silva ang kasali sa bagong international series sa telebisyon na The Boston. Dumaan siya sa matinding audition, at sinasabi nga niyang talagang natuwa siya nang malaman niyang nakuha siya para sa serye. Isang malaking break nga naman na makuha ka sa isang serye hindi lamang para sa local kundi sa mga international channels.
Role ng isang pastry chef ang kanyang ginagampanan, at sinasabi nga niya na malaking tulong sa kanya ang ginawa niyang pag-aaral noon ng culinary arts sa U.S. bago pa man siya nagpunta sa Pilipinas at nakasali sa Starstruck.
Sarah ayaw umamin, hindi rin idine-deny na may anak na
Ayaw sumagot ni Sarah Lahbati sa mga katanungang may kinalaman sa pagiging isang nanay. Hindi niya inaamin ang tsismis na may anak na siya, pero hindi rin naman siya nagdi-deny. Hindi rin naman nagdi-deny ang pamilya ng kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez, pero wala man silang aminin alam mo na naroroon ang isang mas matinding relasyon, hindi lamang bilang mag-boyfriend. Parang may iba pang dahilan ang kanilang relasyon.
Mukhang open secret na rin naman iyan sa show business, eh ano ba kung ayaw pa nilang umamin? Hindi naman sila nagde-deny.
- Latest