^

Pang Movies

Naiinggit na sa mga ka-batch sa StarStruck, Nadine gusto na ring magkaanak!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Lalo yatang gumanda si Nadine Samonte ngayon na she is very much in love sa boyfriend na si Richard Chua, anak ng actress na si Isabel Rivas na kasama niya nang gabing iyon sa presscon to launch the new sitcom ng TV5, ang One of the Boys. Mapapanood na simula sa Sabado, 9:00 p.m., hindi na itinanggi ni Nadine na ready na siya to marry Richard, gusto na rin daw kasi niyang magkaroon ng anak, biro nga niya naiinggit siya sa mga ka-batch one niya sa StarStruck dahil may mga baby na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Katrina Halili at Alvin Aragon.

Suggestion kay Nadine ng mga kaharap na entertainment press, for a change, gawin niyang farm wedding ang kasal nila ni Richard. Malaki ang farm sa Iba, Zambales nina Isabel at Richard. Nang sabihin namin ito kay Richard, maganda raw idea iyon at tinanong kung wala pa raw bang kinakasal in a farm. Sa alam namin wala pa, usual­ly ang concept ay garden or beach wedding. 

Next year nila balak magpakasal since this June ay tapos na ang contract ni Nadine sa TV5.  

Anak ni Francis handa na ring magpa-sexy

Mukhang ngayong Elmo Magalona has turned 20, open na siya to do daring roles. Sa birthday presscon na bigay sa kanya ng GMA Artist Center, sa kabila ng busy schedules sa taping ng Villa Quintana, ready na si Elmo to start the shooting of an indie film na ididirek ni Gino Santos for Cinemalaya’s New Breed Full Length Feature category. 

Makakatambal niya si Sophie Albert of TV5 at nabasa na niya ang script, hindi lamang niya alam kung paano ie-execute ni direk Gino ang love scene sa story. Basta handa raw siya kung meron man, ang gusto niya mapanood siya hindi bilang si Elmo Magalona kundi ang character na kanyang gagampanan. 

Pagdating naman sa magandang relasyon nila ng leading lady niya sa Villa Quintana, inamin ni Elmo na wala pang label ang relationship nila pero inamin niyang they are da­ting exclusively, wala siyang ibang idini-date, ganoon din si Janine, naniniwala raw silang mas maganda kung magkakakilala muna silang mabuti ng young actress. Pareho na raw silang na-meet ng kani-kanilang mommy, ang mom niyang si Pia at mom ni Janine na si Lotlot de Leon.

Minsan na rin daw dinalaw ni Monching Gutierrez si Janine sa set at ipinakilala na siya rito personally. Paano niya idi-describe si Janine na sabi niya ay napaka-special sa kanya ngayon?

“She is like a breath of fresh air,” sagot ni Elmo. â€œGumagaan ang pakiramdam ko kapag nasa set siya, lalo na kung mabigat ang drama scenes na ginagawa ko.”

vuukle comment

ALVIN ARAGON

ARTIST CENTER

ELMO

ELMO MAGALONA

JANINE

NADINE

NIYA

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with