^

Pang Movies

Cedric at Zimmer nagrereklamo sa mainit na selda

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagpalabas ng utos ang Metropolitan Trial Court ng Taguig na ilipat na sa City Jail sina Cedric Lee at Zimmer Raz habang nililitis ang kanilang kaso kaugnay sa pambubugbog kay Vhong Navarro, pero bago naipatupad iyon nagpalabas naman ng bagong utos ang Regional Trial Court na sumususpinde sa naunang utos, dahil sa petisyong inihain ng kampo ni Cedric sa RTC na papanatiliin na lang sila sa NBI Detention cell habang dinidinig pa ang kaso, at ang petisyon nilang makapag-piyansa.

Mas mataas ang Regional Trial Court kaysa sa MTC, kaya nasunod ang suspensiyon ng paglilipat sa dalawa sa city jail. Bagama’t sinasabing wala silang special treatment sa NBI, at nagrereklamo nga silang mainit sa kanilang detention cell, mas mabuti namang ‘di hamak iyon kaysa sa ilagay sila sa city jail. Tiyak namang hindi sila bibigyan ng kulungang kagaya kay Napoles na may aircon pa.

Elmo inuuna ang trabaho kesa kay Janine, pangarap makabili ng sariling bahay at sasakyan

Ingat na ingat pa rin sa pagsasalita si Elmo Magalona pag natatanong siya tungkol kay Janine Gutierrez, kahit na sinasabi nga niyang ok naman silang dalawa at “exclusively dating” simula noong February this year.

Nakaharap na rin daw ni Janine ang ermat niya na nagsabi sa kanyang “Mahusay naman ang pagpapalaki kay Janine ng mga magulang niya.” Nakita na rin naman daw ni Elmo ang ermat ni Janine na si Lotlot de Leon, at ang erpat na si Monching Gutierrez. Siguro nga naging advantage din iyong pagiging dating magkasama at magkabarkada ng erpat nilang si Francis Magalona at Monching. Pareho kasi silang nagsimula sa Bagets 2.

Pero ang napansin namin noong hapong iyon, nang ipa-interview si Elmo ng GMA Artists Center, talagang mahiyain pa rin siya basta natatanong tungkol sa kanyang love life. Pero ang comment nga ng iba, actually mas naging open pa raw siya simula nang ma-link kay Janine. Papaano nga naman hindi, eh anim na buwan na silang magkasama at tatagal pa ang kanilang serye hanggang sa Hunyo.

Maganda naman daw kasi ang ratings ng Villa Quintana kaya tumatagal nang ganoon ang show. Nasabi pa nga nila na kung ikukumpara sa original na ipinalabas ilang taon na rin naman ang nakakaraan, sinasabi raw ng kanilang sales na mas ok pa nga ang kita ng serye sa ngayon.

Pero siguro nga, talagang hindi mo pa masasabing seryoso sa kung ano mang bagay si Elmo sa ngayon. Kasi sinasabi niyang marami pa siyang ambisyon sa buhay. May pangarap pa siyang out of his own earnings ay makabili ng sarili niyang bahay, at isang sasakyang magagamit niya. Inaamin naman niyang hanggang sa ngayon wala pa rin siyang malaking bagay na nabibili para sa kanyang sarili at para sa kinabukasan.

Aktres gumawa ng tsismis para magpataas ng presyo

Sinusulot daw ng isang TV network ang isang female star na mula sa kalaban nilang network. Iyon ang tsismis. May nagsasabi namang ang female star mismo ang nagpapakalat ng tsismis dahil umaasa siyang bibigyan siya ng better treatment ng kanyang network dahil doon.

Mas kapani-paniwala ang pangalawang tsismis

 

vuukle comment

ARTISTS CENTER

ELMO

ELMO MAGALONA

FRANCIS MAGALONA

JANINE

JANINE GUTIERREZ

MONCHING GUTIERREZ

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with