^

Pang Movies

Wish ni Kathryn ‘Sana ‘wag maging sakitin si DJ’

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling pinatunayan ni Daniel Padilla na siya na nga ang hottest young star sa kasalukuyan dahil pinuno niya na naman ang Smart Araneta Coliseum sa kanyang DOS: The Daniel Padilla Birthday Concert. Pero sa kabila nang dagsa niyang tagahanga ay mayroon namang ilang pilit siyang binabato ng negatibong intriga dahil sa kanyang singing voice. Ngunit naniniwala si Daniel na talagang hindi naman niya mapi-please ang lahat ng tao na magustuhan siya.

 â€œOkay lang, nakakatawa kapag hindi sila nagagandahan sa boses ko. Okay lang naman po sa akin.

 â€œKung marami naman akong napapasaya, bakit ko sila papansinin?” sey ni Daniel nang mag-guest siya sa Aquino and Abunda Tonight noong isang araw.

Super happy din si Daniel dahil natupad na ang kanyang pangarap na makasama ang idolo niyang si Bamboo sa kanyang concert. Dream come true raw iyon at hindi niya akalaing mangyayari ito sa kanyang buhay.

Samantala, naitanong din ni Boy Abunda kung nakararamdam ba siya ng pressure dahil kino-consider siyang role model ng kanyang mga tagahanga ngayon.

“Mahirap din minsan pero ayaw ko yung lumalayo na ako o nagpapakaplastik na ako sa sarili para lang magustuhan nila ako. Ayaw ko namang magpanggap na hindi naman ako ganoon,” pahayag ng anak nina Rommel Padilla and Karla Estrada.  

Samantala, matapos ang 18th birthday ni Kathryn Bernardo ay isang buwan siyang nagbakasyon sa Europe at South Korea kasama ang kanyang pamilya, kaya naman aminado itong sobrang na-miss niya ang ka-love team na si Daniel Padilla.

 â€œOo naman (na-miss ko) kasi walang nang-aasar sa akin ng isang buwan.

“Kaya sinigurado ko na nandito ako sa birthday niya!” sey ni Kathryn na super happy din sa success ng 2nd major concert ni Daniel sa Big Dome kahapon.

Birthday wish ni Kathryn para sa katambal ay…

“Sana maging hindi sakitin, maging mas healthy siya at sana ay hindi siya magbago.

 â€œAlam ko naman na kakayanin niya kung anuman ang dumating sa kanya.

“Basta sana huwag lang siyang magbabago.                                                      

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BIG DOME

BOY ABUNDA

DANIEL

DANIEL PADILLA

DANIEL PADILLA BIRTHDAY CONCERT

KANYANG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with