^

Pang Movies

Gwen sumusumpang hindi magco-cover sa men’s mag, ayaw gayahin si Ellen Adarna

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na lalayas si Gwen Zamora sa Kapuso Network. Bago niya simulan ang taping ng Innamorata, may parinig siya noon na susundan niya ang kasabayang artista na si Ellen Adarna na nasa Kapamilya Network na.

“I just renewed for two more years!” saad ni Gwen sa break ng taping ng Innamorata.

Plano ba ng GMA na pagtapatin sila ni Ellen?

 â€œMagkatapat na kami, ‘di ba?” tugon niya.

Eh, kaya ba niyang tapatan ang pagpapaseksi ni Ellen eh wala naman siyang effort kung paseksihan din?

 â€œHindi naman effort sa kanya ‘yon eh. She really likes being comfortable in her skin. Hello? Kung ayaw mo, magwu-work out ka ba nang ganoon?” rason ng aktres.

Kaya ba niya ang ginagawa ni Ellen?

 â€œHa! Ha! Ha! I like my laman! I don’t know. What do you mean? Like sexy?” tanong ni Gwen.

Oo, seksi o mas higit pa sa ginagawa ni Ellen?

 â€œI still haven’t thought about it. Gusto kong magseksi? As of now, feeling ko, I don’t need it. I’m content now with what I’m doing,” sagot niya.

Meron bang nagbabawal?

 â€œNo naman. Even if may magsasabi sa akin na don’t do it at gusto ko naman, I will do it. Even if my parents…Don’t do it. I feel like I am grown enough to make my decisions. I will ask for advice pero hindi ko ibabase ‘yung choice ko from what other people say.”

Kung meron siyang ayaw gawin para mapanindigan ang desisyon ay ang mag-cover sa FHM.

 â€œI feel hindi siya bagay sa magazines. Kasi I started with Enteng Kabisote and lahat ng shows ko ay for kids,” paliwanag ni Gwen.

Boyfriend ni Nadine paper ring lang ang ibinigay na engagement

May inggit factor na rin kay Nadine Samonte sa kasabayan niyang sina Jennlyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Katrina Halili na pawang may mga anak na. Sa edad niyang 26, ready na rin siyang magkaroon ng pamilya lalo na nga’t nag-propose na ng kasal sa kanya ang bagong boyfriend na si Richard Chua, anak ng aktres na si Isabel Rivas.

Kasama ni Nadine si Richard sa presscon ng One of the Boys ng TV5 na kinabibilangan niya. Matangkad at mestizo ang lalaki na isang immigration officer. Siya ang ipinalit ng aktres sa seven-year boyfriend niyang nauwi rin sa wala ang relasyon.

April 7 last year nang makilala ni Nadine si Richard at April 14 niya sinagot ito. Nu’ng July 13 ay nag-propose ang lalaki ng kasal pero paper ring lang ang inialay sa kanya. Pero after ilang weeks, totoong wedding ring na ang alay sa kanya.

“So nang magsabi siya nang ‘Will you marry me?” tanong ko naman, ‘Are you serious?’ Ha! Ha! Ha! I guess wala naman sa haba o sa iksi ng relasyon ‘yan eh. Aarte pa ba ako eh, hindi na ako bumabata! Ha! Ha! Ha!” paliwanag ni Nadine.

ELLEN ADARNA

ENTENG KABISOTE

GWEN

GWEN ZAMORA

INNAMORATA

ISABEL RIVAS

JENNLYN MERCADO

KAPAMILYA NETWORK

NADINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with