^

Pang Movies

Phoemela hiwalay na naman sa itinagong anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kung kelan nagiging close na si Phoemela Barranda sa kanyang anak na si Nichole ay doon pa raw ito biglang mawawalay sa kanya.

Isa sa nakasama sa Pinoy Big Brother All-In ang matagal nang tinagong anak ni Phoemela na si Nichole. Kung matatandaan ay lumaki si Nichole na ang alam ay nakakatanda niyang kapatid si Phoemela. Noong yumao ang lola na nagpalaki kay Nichole, doon lang niya nalaman na ina pala niya si Phoemela.

Nagawa lang daw itago ni Phoemela ang katotohanan dahil nasa peak siya ng kanyang mo-deling career noong mabuntis siya. Ang ina nito ang nagsabi na itago na lang ang tunay na katauhan ni Nichole para walang maging problema sa career nito.

Fifteen years tinago ni Phoemela ang katotohanan hanggang sa ibinunyag na niya ito noong nakaraang taon.

Ginawa na ni Phoemela ang lahat para makabawi sa kanyang anak at unti-unti na nga raw silang nagkakaroon ng magandang bond bilang mother and daughter.

Pero dahil sa natanggap nga sa PBB si Nichole, 100 days silang magkakahiwalay na ikinalungkot nga ni Phoemela.

Pero natuwa naman si Phoemela dahil sa sinabi ng kanyang anak na gusto nitong mahanap ang kanyang sarili at sa pakikipag-interact nga nito sa ibang housemates ni Kuya, mas magiging kumpletong tao ito pagkatapos ng contest.

Ang title kay Nichole ay “Sweet Revelation ng Makati”.

Wowie hindi pa kayang magsalita

Nakalulungkot isipin na biglang nabiyudo ang former love team ni Judy Ann Santos at dating miyembro ng Universal Motion Dancers or UMD na si Wowie de Guzman.

Sumakabilang-buhay ang misis ni Wowie na si Sheryl Ann Reyes-Camangyan noong nakaraang Sunday dahil sa ilang komplikasyon sa kalusugan nito.

Base sa nasagap naming balita, noong ipanganak nga raw ni Sheryl ang baby nila ni Wowie noong nakaraang buwan, doon daw ito nagkaroon ng problema sa kalusugan.

Labas-masok na raw ito sa ospital dahil sa pagtaas parati ng blood pressure nito. Nitong nakaraang Sunday ay nabawian na ito ng buhay.

As of press time ay wala pang naibibigay na official statement si Wowie tungkol sa pagkawala ng kanyang misis.

Nagkakilala nga sila Wowie (Jeffrey Camangyan in real life) at Sheryl noong 2012 nang maging customer ito ni Wowie sa isang negosyo niya.

Naikuwento ni Wowie noon na “love at first sight” siya kay Sheryl kaya mabilis niyang niligawan. Three months pa lang daw sila sa kanilang relasyon ay nagpa-civil wed na sila.

Mula dito sa PM, ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Wowie de Guzman...

Kapatid ni Beyonce sa trailer Park home na lang nakatira

Pagkatapos lumabas ang cover ni Beyonce sa TIME magazine bilang isa sa Most Influential People in the world, bigla namang lumabas ang balita tungkol sa kanyang 4-year half-brother na si Nixon Knowles.

Si Nixon ay anak ng ama ni Beyonce na si Matthew Knowles sa naka-affair nitong part-time Canadian actress na si Alexsandra Wright.

Ang naturang affair ang sumira sa pamilya nila Beyonce at nauwi sa divorce ang pagsasama ng kanyang mga magulang na sina Matthew at Tina Knowles.

Nakatira na sa isang trailer park home ang half-brother ni Beyonce dahil hindi na nga ma-afford ng kanyang ina ang magandang tahanan nila sa Los Angeles dahil binawasan na nga ni Matthew Knowles ang child support for Nixon, mula sa $12,000 to $2,500 a month.

Hindi sinisisi ni Alexsandra si Beyonce sa nangyari sa kanilang mag-ina. Sinisisi nito ay ang ama ng kanyang anak na hindi sila masustentuhan sa napag-usapan nila sa korte.

 â€œIt’s not Beyonce’s fault. I don’t hold her accountable. I hold the father of my child accountable.

“Again, let me say for the record - it’s not her fault. I’ve never blamed her. I want the best for her. Everyone’s in pain.”

Ni-reveal din ni Alexsandra na never pang nakikilala ni Beyonce ang kanyang half-brother or maging ang ama nito ay ilang beses lang nakita si Nixon.

Ipaglalaban daw ni Alexsandra sa korte ang utang ni Matthew Knowles na child support na nagkakahalaga na sa $32,135.90.

vuukle comment

ALEXSANDRA

BEYONCE

KANYANG

MATTHEW KNOWLES

NICHOLE

PHOEMELA

SHERYL

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with