^

Pang Movies

Kris harap-harapang sinaway si James sa mga sasabihin kay Bimby

- Vinia Vivar - Pang-masa

Napanood kahapon sa Kris TV ang kabuuan ng heart to heart talk nina Kris Aquino at James Yap sa 7th b-day celebration ng anak nilang si Bimby. First time mula nang maghiwalay sila na nakita ng manonood na magkasama sila sa isang panayam.

Ayon sa dating mag-asawa, hindi raw nila naisip na darating sila ngayon sa ganitong punto na okay ang lahat at magkasama sila pareho sa b-day ng anak.

 â€œIf you ask me if this could have happened last year, no way. Marami lang talagang nangyayari sa buhay na dadalhin ka kung saan ka dapat,” say ni Kris.

Ayon naman kay James, ito naman daw ang pinagdadasal niya talaga – na maging okay na ang lahat sa pagitan nila ng dating asawa at sana raw ay magtuluy-tuloy na ito.

Para kay Kris, klaro ang dahilan ng pakikipag-ayos niya kay James at ito ay dahil sa anak nilang si Bimby aside from the fact na wala na raw ang lahat ng galit sa puso niya at sa ngayon ay itinuturing niyang lessons in life ang lahat ng pagkakamali niya sa pagsasama nila ni James.

“May nagtanong sa akin bakit bukas ang isipan mo at ginusto mong maayos kay James, simple lang ang sagot diyan. Dumaan kami sa proseso ng pagiging man and wife, pinakasalan niya ako, na-annul man ang kasal na ‘yon ay dumaan kami sa point na sumumpa kami na magiging kami. So ‘yung iba ‘yung, I don’t know if you will agree with me, pero iba ang meaning noon. There was a man at one point in my life who loved me enough to marry me. Maybe that love did not survive, but I will always be grateful,” pahayag ni Kris.

Sa isang part ng interbyu ay nagbiro si James thank you raw at in-love si Kris ngayon kaya okay na ang lahat sa kanila na kinontra ng Queen of All Media.

“Hindi. Kasi, before I even entertained the thought of loving somebody else, I had to be able to forgive you, ‘di ba? Parang bago ko naman inisip na kaya ko nang pumasok sa isang relationship, dumaan ako sa proseso talaga na tinanggal ko ang lahat ng galit sa puso ko.

“Kasi hindi ka naman pwedeng magmahal ulit kung meron pang laman ang puso mo na bittnerness. Kasi ‘di ba, mabibitbit mo ‘yung basag na galing dati doon sa bago. So, na-let go ko ‘yun. I would like to think na nabuo ko muna ang sarili bago man may pumasok sa buhay ko,” say ni Kris.

Aminado naman ang actress/TV host na pareho nilang sinaktan ni James ang isa’t isa.

“Alam ko rin naman na pinahirapan ko ang buhay ni James Yap in the same way na sinasaktan niya ang puso ko ‘di ba? Pero that’s all in the past kasi we can really be friends. At ‘yun, sincere ako doon at sana sikapin mo na kaibiganin ako kasi ‘yun ang makakabuti kay Bimb. Alam mo naman na ang emotions ni Bimb nanggagaling sa kung ano ang pinapakita ko sa kanya at nung pinapakita kong galit pa ako sa iyo, galit din siya.

“Ngayon pinapakita ko na, ‘no Bimb, it’s OK, you should love your Papa. You should respect your papa and honor him.’ OK na. Sana ay nakikita mo at ina-appreciate mo rin na tinutulak ko siya para mapalapit sa iyo. Sorry wala pong meaning ang pag-iyak ko na ito, I just hope na nakikita n’yo na it’s really been a journey,” she said.

In-acknowledge naman ni James ang effort ni Kris na sabihan ang anak nila na i-love na ang Papa nito.

“Ako may pagkakamali ako at nag-sorry ako sa kanya. Of course naiintindihan ko ‘yon, kahit anong sorry mo sa isang tao kapag galit siya, nakakatakot talaga. Then naramdaman ko naman na ibang-iba na si Bimb sa akin, nag-effort din si Kris na sinabi niya sa anak ko na kailangang i-love mo na ang Papa mo. Thank you sa iyo,” sabi ni James.

Naaliw kami sa sagutan ng dating mag-asawa tungkol sa pagpapakita raw ni James ng old pictures nila kay Bimby.

 â€œMagre-request lang ako sa iyo and I am doing it on cam now. And I hope you don’t mind na ‘yung luma nating pictures huwag mo nang ipinapakita sa kanya (Bimby), lahat ng luma nating pictures sa phone mo, baka pag-awayan n’yo pa ng girlfriend mo. Pinapakita mo raw lahat. Kasi ‘di ba, please don’t confuse him further,” say ni Kris.

Parang nagulat naman si James sa pagbubuking sa kanya at tila hindi na nakaiwas na amining naka-save pa nga sa phone niya ang mga old pictures nila ni Kris during happier times.

Pero explanation ni James, “ipinapakita ko lang sa kanya na ganito tayo dati. Baka kasi isipin niya, puro away na lang tayo.”

Isa pang request ni Kris kay James, huwag na raw sabihin pa nito kay Bimby na “I love your mom coz she’s your mom.”

Sagot ni James, “eh totoo naman ‘yun. Alangan namang sabihin kong hindi ko love ang mommy mo.”

Kontra ni Kris, “hindi, kasi pag-uwi niya sa bahay, sinasabi niya na “my papa is still in-love with you.” So, huwag mo i-confuse. We don’t have to love each other, we just have to respect each other.”

Nag-promise naman si James na hindi na raw niya sasabihin ‘yun.

 

vuukle comment

AKO

BIMB

BIMBY

JAMES

KASI

KRIS

LOVE

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with