^

Pang Movies

Dingdong hindi na nakatiis, sinundan si Marian sa probinsiya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-post si Marian Rivera sa Instagram niyang @therealmarian na: “May dalaw ako sa set ng #Carmela. Ang sweet!!! Ayiiee! Kilig ako! Hahaha!” Kasama sa picture ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes. 

First time iyon na dumalaw ang GMA Primetime King sa kanyang Queen last Monday sa Malolos, Bulacan, na siguro ay na-miss niya dahil last Sunday, tinapos ni Marian ang taping ng Lenten presentation ng APT Entertainment na ipalalabas sa Holy Saturday, April 19, sa GMA 7.  Every Sunday kasi may Sundate ang dalawa, church and dinner na hindi nila nagawa dahil may work nga si Marian.

Anyways, mukhang matagal pa bago magtambal sina Dingdong at Ma­rian sa movies man o sa TV drama series. Kahit may Carmela ngayon si Marian, magsisimula namang mag-taping si Dingdong ng Ang Dalawang Mrs. Real (working title) with Ms. Maricel Soriano and Lovi Poe under Andoy Ranay. At ready naman si Marian na magsimula ng movie niya sa Regal Entertainment, Inc. kung saaan makakatambal niya si Derek Ramsay. 

Sa ngayon, naghahanap ang Regal ng tamang director na hahawak sa project na isinulat ni Roy Iglesias dahil gaganap si Marian in a different role, that of a very, very sexy high class escort girl. Ang movie ay isa sa dalawa pang movie contract ni Marian sa Regal.

Kita ng Arise diretso sa mga ni-Yolanda

Mamaya na ang simula ng two-night concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, ang Arise Gary V 3.0 para sa kanyang 30th anniversary in the business, sa Araneta Coliseum. Ipakikita sa concert ang extraordinary career niya as a singer/songwriter, actor, record producer/arranger, at TV host sa pamamagitan ng co-director niya at panganay na anak niyang si Paolo. Ang grupong AKA JAM na mina-manage ng Genesis Entertainment ang front act ni Gary at kasama rin sa concert ang anak na si Gab na umuwi pa from his studies in the U.S. to join his family, dahil kasama rin ang bunso nilang si Kiana. Special guests sina Rico Blanco, Sam Concepcion, Iya Villania, DJs Papi, at Tom Taus. Very special guest naman ni Gary mamayang gabi ang Pop Princess na si Sarah Geronimo. Ang proceeds ng two-night concert ay idu-donate sa mga victims ng typhoon Yolanda at ng lindol sa Bohol. Si Gary ay 15 years nang ambassador ng UNICEF kaya napupuntahan niya ang mga lugar sa bansa na dumaranas ng mga kalamidad.

Pagso-sorry ni Kris kay James, buong episode ng kanyang show

Special episode ng Kris TV ngayong umaga, 7:30 – 9:00 in the morning, ang 7th birthday cele­bration ni James “Bimby” Yap Jr. Makikita roon kung paano nag-sorry si Kris sa dati niyang asawang si James at ang pasasalamat niya sa lahat ng mga naitulong nito sa kanya at sa kanyang dalawang anak, bukod kay Bimby, si Joshua.

Network barat magpasahod, talent manager gusto nang hanapan ng lilipatan

Gusto nang ilipat ng isang manager ang kanyang talent sa ibang network dahil sobrang baba na raw ang talent fee na natatanggap nito kahit pa lead role ang ginagampanan nito. Hindi na namin sasabihin kung magkano ang starting salary ng talent, pero every year, sa bawat project na gawin nito, ten thousand pesos lamang ang natatanggap na increase sa talent fee, kahit pa halos sagad-sagaran ang trabaho nito.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ARANETA COLISEUM

ARISE GARY V

BIMBY

CARMELA

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

EVERY SUNDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with