^

Pang Movies

Sa sobrang kilig Diary ng panget… parang pelikula nina Sarah at John Lloyd

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Isang malaking success ang dalawang premiere night ng pelikulang Diary ng Panget: The Movie ng Viva Films dahil napuno ito ng fans ng apat na bida na sina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman, at Andre Paras.

Very entertaining at crowd-pleaser ang romantic-comedy na ito na base sa best-selling teen novel ni Denny. Mahusay ang pagkakadirek ni Andoy Ranay sa mga bida, lalo na kina Nadine at James, dahil sila ang pinakabida ng movie at lahat ng eksena nila ay tinitilian.

Kung tutuusin ay same formula ang ginamit ng movie sa mga hit movie nila Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Pero mas young ang setting ng pelikula at na-capture nga nito ang quirks, angst, at misadventures ng students ng Wilford Academy.

Stars in the making ang apat, lalo na sina James at Andre na ang sobrang kaguguwapo sa big screen.

Namana ni Andre ang pagiging comedian ng kanyang amang si Benjie Paras. Nakakatuwa na sa towering height ng bagets ay napakahusay nito ng timing sa comedy. Puwedeng-puwede siyang maging leading man sa mga comedy film.

As for James, matagal kaming hindi nakakita ng isang baguhan na may napakagandang mukha with matching good body pa. Kaya naman tuwing maghububad si James, nakakabinging tilian ang maririnig mula sa fans.

Ang maganda pa nito, despite his beautiful face and body, nagawang umarte ng tama ni James. Kahit na alam mong hirap siya sa Tagalog words, mapapatawad mo dahil cute naman pakinggan at bagay naman sa kanya.

Leading lady ang dating ni Yassi at mabigyan pa ito ng maganda pang project, mas mailalabas niya ang husay sa pag-arte. Sa dalawang dramatic scenes niya sa movie, pasado na siya agad.

Nadine has the makings of the next Sarah Geronimo. Hindi lang siya marunong umarte, maganda rin ang kanyang singing voice. Kaya dapat alagaan ito ng husto ng Viva Films dahil meron na silang maituturing na “diamond in the rough”. Konting polish pa and she will make it big.

Pia Romero balik sa pagluluto pagkatapos matalo na naman sa Bb. Pilipinas

Marami ang nagulat na hindi man lang nakakuha ng isang titulo ang isa sa heavy favorites sa 2014 Bb. Pilipinas pageant na si Pia Wurtzbach o mas kilala sa showbiz as Pia Romero.

Last year ay first runner-up si Pia at sinubukan niya ulit ang sumali sa taong ito hoping na isa sa limang titulo ay makukuha niya.

Pero umabot lang sa sampung finalists si Pia at wala siyang nakuha sa mga major title.

Nakakapagtaka dahil sa mga naging fearless forecasts at surveys na ginawa, kasama parati si Pia sa top five na mag-uuwi ng korona at titulo.

Isa si Pia sa sampung candidates ni Jonas Gaffud ng Mercator Models at Aces & Queens na siyang nag-train at humubog sa mga Miss Universe runners-up na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon, at Ariella Arida.

Sa unang pagkakataon ay hindi nakuha ng kampo ni Jonas ang Bb. Pilipinas-Universe crown.

Dahil sa hindi inaasahan na pangyayaring ito, tila nag-decide na si Pia na tumigil na sa pagsali sa mga beauty pageant at mag-move on sa ibang puwede pa niyang gawin sa kanyang buhay.

Sa mga hindi nakakaalam ay isang professional chef si Pia. Sa kanyang Instagram account, heto ang naging emote niya pagkatapos ng pageant last Sunday.

 â€œGRATEFUL that I was able to experience what it’s like to be a part of the pageant world. When I placed 1st RU last year, I gave all my time, effort & love to my job. I had so much fun! I just tried again because I wanted to know if this was really meant for me.

 â€œBut how do you know if you don’t take chances, right? I’m glad I made it this far. No doubt that I learned so much from it. I’m a better person now than I was a year ago.

 â€œThank you to my mentors from Aces & Queens for teaching me everything I know & transforming me! & to my supporters for pushing me & encouraging me. THANK YOU!! Time to turn the page & move on to a new chapter!”

Ang sinisisi sa pagkakatalo ni Pia ay ang naging Tagalog question ni Sen. Sonny Angara. Sinagot din ni Pia in Tagalog ang tanong at naubusan na ito ng oras para i-translate ito in English para maintindihan ng mga nakaupong foreign judges, kabilang na si Miss Universe 2013 Gabriella Isler of Venezuela.

Marami ang nag-i-encourage pa kay Pia na huwag mawalan ng pag-asa dahil walang masama kung sumali ulit. Tulad na lang ng nanalong Bb. Pilipinas-Universe na si Mary Jean Lastimosa, tatlong beses siyang sumali bago niya nakuha ang beauty title.

AMP

ANDOY RANAY

MISS UNIVERSE

PIA

PIA ROMERO

SARAH GERONIMO

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with