^

Pang Movies

‘Bilihan’ ng award pinag-aawayan pa rin

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Pati ang mga sikat na artista nag-aaway sa cyberspace. Kanya-kanyang paratang kung sino ang bumili ng award. Ang presyo, hindi naman gaanong mataas -- from 150K to 200K. Tinutukoy kung sino ang bumili o nagbigay ng perang pambili!

Napakahalaga pala ng award kahit sa mga sikat na personality. Daig pa ang mga batang inagawan ng kendi o laruan ang mga talunan!

Kahit pintasan pa ninyo ang mga nagwagi ha­bang buhay, sa lahat ng social media, wala na kayong magagawa. Naka-display na ang mga trophy sa kanilang bahay. Tingnan na lang ninyo at mamatay kayo sa inggit!

James panay ang panunukso kay Kris

Bukod sa panunukso ni James Yap kay Kris Aquino sa bagong partner ng kanyang former wife, pinipilit pa niya on TV na binulong mismo ni Bimby (James Yap, Jr.) kung sino ang boyfriend ng kanyang mama.

Panay lang ang ngiti ng basketbolista at ayaw na niyang ulitin na sinabi niyang isang politician ang new man in Kris’ life.

Sa beki na kaya?

Dennis iniiwasan na ang mga chicks

Sa rami nang magagandang pangyayari sa buhay ni Dennis Trillo ngayon, pinipilit niyang umiwas sa mga chicks.

“Higit na maganda ang takbo ng aking career kapag walang girlfriend,” say ni Dennis.

Buti wala siyang binanggit na susubukan niyang ibaling ang atensiyon sa mga beki. Maraming mag-uunahan!

Nora, may mga nakapila nang trabaho

Pinaghahandaan ng multi-awarded scriptwriter/author ang kanyang debut directorial film. Ang dahilan niya, hinihintay ang availability ni Nora Aunor. Ang Superstar naman tiyak na mabilis na gagawin ang project kapag nalamang nakahanda na ang kanyang kaibigan.

Sa isang Aunor/Lee film project, wala rin problema sa financing. Matagal nang hinihintay ng mga mo­viegoers ang directorial debut ni Ricky Lee, na tiyak na magi­ging blockbuster.

Ano naman kayang naiibang role ang sinulat ni Ricky para sa kanyang favorite actess? Masabay kaya ito sa paghirang kay La Aunor bilang National Artist for Film?

Buhay ng OFW ididirek ng aktor na si Ronnie Lazaro

Aksidenteng nagkita sa isang mall ang magkababatang si Ronnie Lazaro at producer na si Anthony Gadang. Nagkakuwentuhan ang magkaibigan at nabuo ang isang film project, Edna, na tungkol sa isang OFW at directorial debut ng aktor.

After 35 years sa pag-arte, susubukan ni Lazaro ang magdirek ng isang indie film based on a real story of an overseas Pinoy worker.

Dating Pajaros Salvaje (Wild Birds) ang titulo ng pelikulang bida si Irma Adlawan.

Daniel nalilito pa rin kung magpapalit ng relihiyon para kay Kathryn

Nakahanda na ang second solo concert sa Smart Araneta Coliseum ni Da­niel Padilla on April 30. Kabilang sa kanyang mga guest arists ay ang rock icon na si Rico Blanco. Sana makasali rin si Gloc 9.

Kahit sino kasi ang isali sa live show ni Daniel Padilla, imposibleng maagawan siya ng eksena. Siyempre manonood ang kanyang mga fans from all over the country, para kay Daniel.

Sumabay kaya ang launch ng isang bagong album? Hanggang ngayon wala namang balita, pero umaasa ang mga tagahanga na magkakaroon ng bagong pantapat sa King of the Gil ni Enrique Gil, na humahataw sa kanyang teleser­yeng Mirabella.

Inamin ni Daniel na hindi siya makapag-decide ngayon kung willing magpalit ng relihiyon para kay Kathryn Bernardo, na isang Iglesia ni Cristo. Bago kasi tanggapin ng babaeng nasa INC ang magi­ging boyfriend, kailangan magpa-convert muna.

 

vuukle comment

ANG SUPERSTAR

ANTHONY GADANG

ISANG

JAMES YAP

KANYANG

RONNIE LAZARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with