^

Pang Movies

Sikat na aktor na maganda ang image at stick to one ang drama, hinamon ng one night stand ang aktres!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi halata pero may pagka-mahilig din pala sa babae ang sikat na aktor. Sukat ba namang yayain niya sa text ang isang aktres na baka raw gusto nitong i-try na mag-one-night stand sila?

Naloka ang aktres dahil kaswal lang naman daw silang nagte-text-tan nung una at nagbibiruan pa. Nagulat na lang daw ang aktres nang biglang mag­hamon ng one-night stand ang aktor.

Hindi na sumagot ang aktres pero nag-follow up pa ng text ang aktor at muli siyang tinanong kung type nitong subukan siya. Dedma na raw ang aktres at hindi na talaga sumagot.

Maganda ang image sa showbiz ng aktor at ang drama pa nga niya ay stick to one sa mga nagiging girlfriend niya.

Minsan talaga, hindi dapat paniwalaan ang good image na nakikita natin sa mga artista eh.

Sen. Bong gusto nang kalimutan ang galit kay Hayden

Parang pinagtiyap ng pagkakataon na parehong pupunta ng Holy Land sina Sen. Bong Revilla, Jr. and family at da­ting magkarelasyong Dr. Vicky Belo and Hayden Kho, Jr. ngayong bakasyon.

Well, as everybody knows, may alitan sina Sen. Bong and Vicky-Hayden na nagsimula pa noong kontrobersiyal na Ka­trina Halili sex video case at dahil dito ay nawalan ng lisensiya si Hayden bilang doktor.

Pero ayon kay Sen. Bong, matagal na panahon na rin naman daw ang nakalipas at para sa kanya raw ay tapos na ’yun.

 â€œAlam n’yo, nothing personal. Tapos na ’yun eh. Kung anuman ’yung naging differences namin, dahil ’yun sa paninindigan, kumbaga, tapos na ’yun, nakapagdesisyon na ang korte diyan. Kung anuman ang naging sitwasyon niya sa bagay na ’yun, natanggalan man siya ng lisensiya, kumbaga, nagdusa na rin ’yung tao.

“Siguro it’s high time na kalimutan na natin ’yun. May panahon din para maghilom ang lahat ng sugat. Sa akin, natutuwa ako na magsasama kami sa Holy Land. Water under the bridge na ’yun, nakalipas na ’yun. Panahon na rin ng patawaran, ’di ba?,” say ni Sen. Bong.

Heard na naunang mag-book sina Dr. Vicky and Hayden papuntang Holy Land at dahil maliit lang ang lugar, talagang malaki ang tsansa na magkita sila roon.

Andrea iniiwas pagsawaan

Sa next teleserye ni Andrea Brillantes ay hindi na siya title role dahil ang titulo nito ay Hawak Kamay at marami silang bida tulad nina Piolo Pascual, Iza Calzado, Zaijian Jaranill, at Xyriel Manabat.

Ayon kay Direk Ruel Bayani, na siyang business unit head ng katatapos lang na Annaliza na pinagbidahan ni Andrea at ito ngang Hawak Kamay, masyado naman daw pressure for a child actress kung lagi na lang siyang gagawing title role.

 â€œShe will be doing dozens of teleserye ’tapos kung siya parati ang title role, baka hindi naman magandang ano… so, maganda ’to (Hawak Kamay), she will have fun in the next show, she will be sharing the spotlight with three other child actresses.

 â€œFor me kasi it’s not the title, it’s the project,” sabi ni Direk Ruel.

This year din ieere ang Hawak Kamay at ito rin daw ang comeback ni Papa P. sa primetime.

vuukle comment

ANDREA

ANDREA BRILLANTES

BONG AND VICKY-HAYDEN

BONG REVILLA

DIREK RUEL

DIREK RUEL BAYANI

HAWAK KAMAY

HOLY LAND

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with