^

Pang Movies

Dingdong sinasagad na ang pagpapa-sexy ni Marian habang plano ng kasal inaayos pa

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ayaw magbigay ng komento ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa tsikang engaged na sila ng girlfriend na si Marian Rivera. Nangyari raw kasi ito noong mag-out-of-the-country vacation sila ilang buwan na ang nakakaraan. Walang confirmation from Dingdong kung yes or no ang sagot niya sa issue na iyon.

Ayaw ding kumpirmahin ng binata kung balak na nga nilang magpakasal next year ni Marian.

“If you ask me about specific plans, wala pa. Sabihin na lang natin na sino ba’ng hindi gustong mag-settle down, especially to someone like her?

 â€œIt’s something that I look forward to one of these days, sa tamang panahon. It’s something that I should work for. It’s something that I should earn also,” pahayag ni Dingdong sa interview sa kanya ng PEP.

Ibinalita rin ni Dingdong na everything is going smoothly sa relasyon nila ni Marian at meron na nga silang long-term plans at marami pa silang obligasyon sa kani-kanilang showbiz careers kaya hindi pa sila nagmamadaling lumagay sa tahimik.

 â€œMay effort ako to assure her. Pero she’s also in a position na maraming commitments, hindi lang sa isang tao, hindi lang sa sarili niya.

 â€œShe has endorsements. Maraming tao ang umaasa sa kanya sa ibang bagay, which hindi pa siya ina-allow to engage in such long-term commitments.

“Marami ring kailangan i-weigh. Lalo na sa stature niya ngayon, lalo siyang nagiging busy. She’s so in demand.

 â€œIto ang mga bagay na kailangang i-savor. You have to make the most out of it,” pahayag pa ni Dingdong.

Samantala, very supportive rin si Dingdong sa girlfriend pagdating sa pagpo-pose nito sa mga men’s magazine. Hindi niya ito pinagbabawalan kaya feeling ng fans ay sinasagad na ni Marian ang pagpapa-sexy habang dalaga pa ito.

 â€œHindi naman sa sinasagad. Nagkataon din talaga na ‘andun ’yung demand for her. Inumpisahan na eh. Siyempre tuluy-tuloy na ’yan.

“Maganda rin na hindi niya ginawa before. As a fan, may pananabik to see her in a different way. Feeling ko, nagkataon lang,” sambit pa ni Dingdong.

Sinabi rin ng aktor na hindi naman siya ang tipo ng boyfriend na seloso kaya hindi siya apektado kung marami ang nagpapantasya at humahanga sa kasintahan.

 â€œShe’s beautiful. It’s a gift. No matter what she does, kahit maglakad siya sa kalye, meron at merong magkakagusto sa kanya.

“Lalo na sa trabaho niya bilang artista, hindi lang nagkakagusto, maraming nagmamahal sa kanya,” sabay smile ni Dingdong.

                                                             

vuukle comment

AYAW

DINGDONG

DINGDONG DANTES

IBINALITA

INUMPISAHAN

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with